Magkaibigang Rufa Mae Quinto At Lj Moreno-Alapag Masaya Sa Muling Pagkikita Sa Amerika

Para sa aktres at komedyante na si Rufa Mae Quinto, ang kanyang “BFF” sa showbiz, ay ang kanyang road manager na si Ryan Black at ang kaibigang aktres na si LJ Moreno.




Matatandaan na si Rufa Mae Quinto, ay nasa bansang Amerika na mula pa noong buwan ng Pebrero, samantalang ang kaibigan nitong si LJ Moreno-Alapag, ay nagtungo sa nasabing bansa, noon lamang ika-15 ng Setyembre, kasama ang kanyang buong pamilya dahil nga sa nangyayaring [email protected] sa buong mundo.

Photo Credit: rufamaequinto/Instagram

Ngayong nang pareho ng nasa bansang Amerika, ay muling nagkasama ang magkaibigan, kung saan ay nito lamang ika-23 ng Nobyembre ay nagbahagi si Ruffa ng larawan sa kanyang Instagram, kung saan ay kasama niya ang kanyang mga “BFF” na sina Lj at Ryan.

Photo Credit: rufamaequinto/Instagram

Narito nga ang naging caption ni Ruffa, kalakip ang mga larawan niya kasama sina Lj Moreno at Ryan Black.

Photo Credit: rufamaequinto/Instagram

“@thelolliecakechic and my bff road manager for almost all my life @_ryan.black! Sila yung mga taong kasama ko mula mag-artista ako hanggang lahat kami nandito na sa Amerika. Taong 1996 with, taong 2020 si Ryan from back room.

Photo Credit: rufamaequinto/Instagram

Also Thanks @winnieguevarra and @owkay_lem and friends for the joy ride, road trip to Los Angeles. Todo na tour!” Ayon nga kay Ruffa, sina LJ Moreno-Alapag at Ryan Black, ang mga nakasama niya sa showbiz, noong nag-uumpisa pa lamang siya.

Photo Credit: rufamaequinto/Instagram

Naging masaya naman ang tagahang ng magkaibigan para sa muling pagkikita ng mga ito, sa bansang Amerika. At narito nga ang ilan sa mga naging komento nila;

Photo Credit: rufamaequinto/Instagram

“And you guys saw each other again. Aww. Good thing you guys had your bonding moment! @rufamaequinto @thelollicakechic” “Friends 4ever ha” “I miss you both @rufamaequinto @thelolliecakechic”




Sa kabilang banda, ay makikita rin ang naging pag post ni LJ, sa pagkikita nila ng kaibigang si Ruffa sa US, kasama pa nga ang iba pa nilang mga kaibigan. “So much fun hanging out with old friends”, ang naging saad ng ani LJ Moreno-Alapag sa kanyang IG post.

Si Rufa Mae Quinto, at ang kanyang anak na si Athena, ay mahalaga na muna sa California, USA, kasama ang asawa niyang si Trevor Magallanes, matapos hindi makauwi sa Pilipinas ng aktres dahil sa pagkakaroon ng [email protected], ng bumisita siya kasama ang anak sa Amerika noon pang buwan ng Pebrero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *