Magkaka-Baby Na Ang Vlogger Na Si Zeinab Harake At Rapper Na Si Skusta Clee

Magandang balita ang hatid nina Zeinab Harake, isang vlogger at Skusta Clee matapos nilang ibahahagi sa publiko na sila ay magkakaroon na ng kanilang kauna-unahang anak.




Nito nga lamang araw ng Huwebes, ika-10 ng Disyembre, inanunsyo ni Zeinab, 22-taong gulang sa kanyang YouTube vlog sa pamamagitan ng isang video ang balita na siya at ang partner niyang si Skusta Clee, 24-taong gulang ay magkakaroon na ng kanilang anak na siyang magiging panganay nila.

Photo Credit: zeinab_harake/Instagram

Matatatandaan naman na ang magpartner ay naging magkarelasyon mula pa taong 2018, kung saan isa itong “on & off relationship”. At noong nga lamang buwan ng Hulyo 2020, ng [email protected] anng alagang pusa ni Zeinab na si Athena ay muling naayos ang relasyon ng dalawa.

Photo Credit: zeinab_harake/Instagram

Ibinahagi nga Zeinab, na simula noong Hulyo ay nagsimula ng maayos ang relasyon nila ni Skusta Clee.

Photo Credit: zeinab_harake/Instagram

“Since July naging ok kami, July, Agust, September, October.
Ayon pa kay Zeinab, noong ika-6 pa ng buwan ng Oktubre 2020, nila nalaman na siya ay buntis na .

Photo Credit: zeinab_harake/Instagram

“October 6 ko nalaman na preggy ako. Nung nalaman ko yun, actually nakapag-settle naman na kami ni Daryl sa isa’t isa. Dito na siya sa akin nag-i-stay nun bago pa naming malaman na buntis ako nun”, saad nga ni Zeinab.

Photo Credit: zeinab_harake/Instagram

Masaya ring ibinahagi ni Zeinab, sa kanyang YouTube vlog ang ginawang pagrespeto ni Skusta Lee sa kanyang mga kapamilya, ng kausapin ang mga ito ni Skusta, at sabihin sa mga ito ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Photo Credit: zeinab_harake/Instagram

“After nun, inayos na muna naming lahat ng probelema sa family ko. Kinausap niya yung mama ko, ‘yung mga kapatid ko, yung daddy ko, sa lahat ng friends naming sa team ko, sa team niya, sa family niya.

Photo Credit: zeinab_harake/Instagram

Pag-amin pa ni Zeinab, dumaan siya sa depresyon noon lamang mga nakaraang linggo, matapos nga niyang malaman na siaya ay nagdadalang-tao, kaya naman mas minabuti nila na hindi muna agad isapubliko ang kanyang pagbubuntis.

Photo Credit: zeinab_harake/Instagram

“Ayoko muna din ilabas kasi nung mga time na yung nag-struggle ako sa depression and doubts.”

Ayon pa nga kay Zeinab, noong una niyang malaman na siya ay buntis, ay mayroon siyang mga doubts at depression. At sinabi nga umano ng doktor sa kanya, na siya ay bawal ma-stress dahil sobrang baba ng bata sa kanyang matris.

Bago pa nga matapos ni Zeinab ang kanyang YouTube vlog, ay sinabi nito na ang kanyang panganay na anak, ang isa sa itinuturing niyang pinakamalaking biyaya sa kanyang buhay.

“Gusto kong sabihin na hindi ito mistake, hindi ito karma. Blessing ito galing kay God, and ito yong pinakamagandang regalo na natanggap ko ngayong birthday ko.” Sinabi rin ni Zeinab, kung gaano siya kasaya sa kanyang nararamdamang excitement ngayon, na siya ay nalalapit ng maging isang magulang,




Humingi naman ng paumahin ang social media personality na si Zeinab, sa lahat ng kanyang mga tagahanga, o tagasuporta nilang mag-asawa, na na-disappoint sa kanyang ibinanalita, at pinasalamatan naman ang lahat ng patuloy na sumusuporta sa magiging bagong kabanata ng kanyang buhay bilang isang ina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *