Magkasama Sa Iisang Bubong Ang Lalaking Ito At Ang Kanyang Dalawang Asawa

Isa sa mga karaniwang dahilan ng paghihiwalay ng isang mag-asawa ay ang pangangaliwa ng isa at ang kadalasang ginagawa ng ganitong kasalanan ay ang lalaki. Bagama’t masakit, totoo naman talagang ganito ang nangyayari. Hanggang ngayon ay wala pa ring pag-aaral ang nagsasabi kung bakit ba talaga nangyayari ang pagkakataong ito ngunit ayon sa mga kuwento ng hiwalayang aking nabasa o narinig, iba’t-iba ang mga rason kung bakit nangyari ito.




Pero sa kabilang banda, maniniwala ka ba na para sa isang lalaki mula sa Thailand na ang pagkakaroon ng dalawang asawa ay hindi dahilan ng pagkawasak ng isang relasyon bagkus ay ito ang dahilan upang maging masaya sa buhay? Tama ang iyong nabasa, dalawang ang asawa ng 42 anyos na si Manop Nuttayothin. ito at sa katunayan, magkasama silang tatlo sa iisang bubong kasama ang kanilang 9 na anak.

Ibinahagi ni Warissara Poksrichan, ang 32 taong-gulang na pangalawang asawa ng lalaki kung ano ang eksena nila ng kaniyang asawa at ang pangatlong asawa ng kaniyang asawa. Ayon kay Warissara, kasama niyang namumuhay sa iisang bubong ang kanyang asawang lalaki at ang pangatlong asawa ng kaniyang asawa na si Nattaya Tongpan, 26 taong gulang.

Nang malaman ni Warissara na may kabit ang si Manop, imbis na magalit ay bukas-palad niya pang tinanggap ang kabit ng kanyang asawa. At kung tatanungin mo naman kung kamusta ang sitwasyon nila sa loob ng kanilang pamumuhay, wala raw kompetisyon o inggit ang nangyayari sa pagitan ng dalawang babae. Sa katunayan, naging matalik na magkaibigan ang dalawa at nagtutulungan sila sa pagpapalaki ng kanilang 9 na anak. Pero bakit ganun na lamang ang pagtrato ni Warissara kay Nattaya kahit alam niyang kabit ito ng kanyang asawa?

Alam raw kasi ni Warissara ang pakiramdam ng pagiging kabit dahil hindi raw siya ang unang asawa ni Manop. Bago pa sa kanilang dalawa ay nagkaroon na ng unang asawa si Manop, ngunit ito ay pumanaw na. Nagkaroon si Manop ng 3 anak sa kanyang unang asawa, 3 kay Warissara, at tatlo rin kay Nattaya kung kaya’t naging 9 ang kanyang anak.

Bagama’t maituturing itong labag sa ating paniniwala, kung ito naman ang ikakasiya nilang lahat at wala namang taong naapakan ay bakit hindi natin sila hayaan, hindi ba?
Iba-iba naman ang reaksyon ng mga netizens sa kwentong ito ng kanilang pamilya.




 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *