Magkasintahang Andi At Philmar Talaga Namang Napaka Simple Matapos Maaktuhan Na Kumakain Ng Kwek-Kwek Sa Tabing-Kalsada

Maraming beses na ngang pinatunayan ng magkasintahan Andi at Philmar, na ang kasiyahan ng isang tao ay hindi nakadepende sa sa mga materyal o mamahaling bagay na kanyang pagmamay-ari, bagkus ito’y makikita at nararamdaman sa mga tunay na taong nakapalibot sayo at nagpaparamdam kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pagmamahal.



Ilang beses na nga nating napatunayan ang pagiging simple ng magkasintahan, lalo na pagdating sa kanilang pamumuhay sa Isla ng Siargao. Batid rin ng marami sa atin, na kasama ng magkasintahan sa isla ang kanilang anak at ang anak ni Andi na si Ellie, kung saan ay sanay na rin ang mga ito sa simpleng pamumuhay sa isla.
Photo Credit: chepoxz/Instagram
Matatandaan rin na isa sa mga hinangaan pa kay Andi, ay ang naging pagtalikod nito sa magandang buhay niya sa syudad at ang kasikatan niya bilang isang actress, kung saan ang lahat ng ito’y kanyang pinagpalit sa simpleng pamumuhay niya ngayon sa napakagandang Isla ng Siargao.
Photo Credit: chepoxz/Instagram
Ngayon nga ay panibagong larawan naman ng magkasintahan ang pinag-uusapan ng mga netizens, ito ay ang isang larawan nila kung saan ay naaktuhan ang magkasintahan na kumakain ng ‘kwek-kwek’ sa tabi ng kalsada.
Photo Credit: chepoxz/Instagram
Nag ibahagi ng Facebook Page, YouTube Philippines ang larawan na ito ng magkasintahan, ay agad nganag umani ng papuri ang magkasintahan dahil sa pagiging simple talaga nilang dalawa.
Photo Credit: chepoxz/Instagram
Makikita nga sa nasabing larawan, na isang stolen shot, na kumportable ang dalawa sa kanilang mga galaw at pag-uusap.
Photo Credit: chepoxz/Instagram
Kumportableng-kumportable nga si Philmar sa kanyang pagkaka-upo habang nakatayo pa ang isang paa at kumakain ng kwek-kwek, samantalang si Andi naman ay nakatitig sa kanya kung saan ay nakasuot ito ng simpleng kasuotan tulad ng t-shirt at short.
Photo Credit: chepoxz/Instagram
Hindi nga mapigilan ng maraming mga netizens ang muling humanga sa magkasintahan, dahil sa pagiging simple nilang dalawa.



Muli ngang pinatunayan nina Andi at Philmar, na hindi yaman o materyal na bagay ang magpapagtagal sa pagsasama ng dalawang taong nag-iibigan. Dahil ang sikreto sa masaya at pangmatagalan na relasyon ay ang pagiging kuntento sa isa’t isa, at pagkakaroon ng tamang komunikasyon at suporta.
Isa ba kayo sa mga tagahanga ng magkasintahan Andi at Philmar? Ano ang masasabi niyo sa pagiging simple ng magkasintahan ito?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *