Magkasintahang Kathryn Bernardo At Daniel Padilla Magkasamang Nagtampisaw Sa El Nido Palawan

Kamakailan lamang ng magkaroon ng mahaba-habang holiday season, ay magkasamang nagbakasyon sa Isla ng Boracay ang Kapamilya couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. At halos ilang linggo pa nga lang ang lumipas, ay muli namang nagpakaligaya at nagtampisaw sa napakagandang Isla ng Palawan ang dalawa, at sa pagkakataong ito ay kasama nila ang kanilang pamilya at ilang mga kaibigan.




Sinasamantala muna ng KathNiel ang pagkakataong ito na makapagbonding kasama ang kanilang mga mahal sa buhay at kaibigan, sapagka’t hindi pa sila gaanong abala sa trabahao, dahil kapag may proyekto na naman ang dalawa, paniguradong magiging busy na ang kanilang schedule.

Photo Credit: bernardokath/Instagram

Dahil sa katatapos lamang ng movie series ng magkasintahan na “The House Arrest of Us” na isa sa mga matagumpay muli na proyekto ngayon ng ABS-CBN na ipinalabas sa pamamagitan ng digital platform, ay naisipan muna nina Kath at Daniel na magkaroon ng break o panandaliang bakasyon, bago nga sila muling sumabak sa trabaho.

Photo Credit: bernardokath/Instagram

Hindi naman napigilan ni Kath, na ibahagi sa madlang pipol ang mala-paraisong ganda ng El Nido, Palawan, ito ay base na nga sa mga larawan na kanyang ini-upload sa kanyang Instagram account. Maliban pa sa mga larawan, ay nag-upload din ang Kapamilya actress ng video para sa kanyang mga IG followers.

Photo Credit: bernardokath/Instagram

Kalakip ng mga nag-gagandahang larawan at video na ini-upload ni Kath ay ang kanyang naging caption, kung saan ay talagang pinuri niya at ipinagmalaki niya ang gandang taglay ng El Nido, na talaga namang ka-relaks-relaks.

Photo Credit: bernardokath/Instagram

“A HUGE thank you to this group for letting us see and experience this side of El Nido.
“It wasn’t my first time her but I’ve never witnessed the real beauty until this trip happened – the locals, their life, food, and the breathtaking islands.

Photo Credit: bernardokath/Instagram

“WOW. EL NIDO IS SOMETHING ELSE. I hope we continue to protect and preserve its beauty. Filipinos are lucky to call this our country.”

Photo Credit: bernardokath/Instagram

Napa-hashtag #SanaAll at napa-Wow naman ang mga netizens ng ibandera ni Kath sa kanyang Instagram ang mga larawan niya kung saan siya ay nakasuot ng black swimsuit habang nagtatampisaw sa nakakahalinang white sand at napakalinaw sa asul na dagat ng El Nido.

Photo Credit: bernardokath/Instagram

Pinasalamatan naman ng aktres sa kanyang isa pang post ang grupo na nag-explore sa kanila sa natatagong ganda ng El Nido. “So many things to look forward to! Going home with a happy and grateful heart. “Thanks to the amazing group that inspired me in so many ways. Cheers to new friendship and better days ahead!”, ang naging mensahe ni Kath sa kanyang IG post.

Makikita naman na ibinahagi ng mommy ni Kath na si Mommy Min ang kanilang mga family photo na kuha sa El Nido, maliban dito, ay mayroon ring larawan kung saan ay makikitang kasama nina Kath at Daniel sa nasabing bakasyon ang mga kaibigan nilang sina Joe Vargas at John Valle.




Very soon naman ay panibagong proyekto ang pagbibidahan muli ng tambalang KathNiel, na isa umano sa mga magiging bagong series ng ABS-CBN, at ang konsepto nito ay mula sa kanilang kaibigan na si Juan Miguel Severo na siya ring nasa likod ng mga award winning movie na “Hihintayin ng Langit” at BL series na “Gaya sa Pelikula.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)

Sa pahayag naman ni Kathryn ay sinabi nito na ang seryeng ito na magiging bagong proyekto nila ni Daniel, ay iba sa mga naging previous project nila, at noon pa man ay gusto na nilang gumawa ng ganitong klase ng serye, kaya naman talagang excited na rin sila na masimulan ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *