Magkasintahang Maine Mendoza At Arjo Atayde Nagdiwang Ng Kanilang 2nd Year Anniversary Bilang Magkasintahan

Sa kabila ng maraming pinadaanan na kontrobersiya ng kanilang relasyon, ay muling pinatunayan ng magkasintahang Maine Mendoza at Arjo Atayde, na ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa ay mas tumitibay pa.




Muli ring pinakilig ng magkasintahan ang kanilang mga tagasuporta, ng ibandera nilang dalawai sa social media, ang palitan nila ng matamis na mensahe sa isa’t isa, sa pagdiriwang nila ng kanilang ika-2 taong anibersaryo ng kanilang relasyon.

Photo Credit: arjoatayde/Instagram

Makikita nga na habang tumatatag ang relasyon nina Maine at Arjo, ay mas nagiging bukas na silang dalawa sa publiko, at mas ipinapakita na nila sa lahat ng tao, ang nararamdaman nila sa isa’t isa. At dahil nga dito, ay mas marami na ngayon ang sumusuporta sa love story nilang magkasintahan.

Photo Credit: arjoatayde/Instagram

Batid naman ng marami sa atin, na sa simula ng “love story” nina Maine at Arjo, ay talaga namang marami ang na-intriga, at kumontra, lalo na ang kanilang mga tagahanga. Ngunit sa kabila nito, ay ipinakita nina Maine at Arjo, na hindi mabubuwag ng anu pa mang intriga ang nabuo nilang relasyon, bagkus ay mas patatagin pa ito.

Photo Credit: arjoatayde/Instagram

Samantala, sa pagdiriwang nga ng magkasintahan ng kanilang ika-2 taong anibersaryo bilang magkarelasyon, ay pareho silang nagbahagi sa kanilang social media account ng mensahe nila para sa isa’t isa.

Photo Credit: arjoatayde/Instagram

Una ngang nagbahagi, at nag-post ng mara larawan nilang magkasama, ay ang host-actress na si Maine Mendoza, kung saan ay ilang mga larawan nilang magkasama ni Arjo ang kanyang ibinhagi sa kanyang IG account, at ito ay nilakipan niya ng maikling caption na;
“Happy second (white heart emoji)’, ang naging saad nga ni Maine.

Photo Credit: arjoatayde/Instagram

Mapapansin naman sa naturang larawan, na ito ay kuha sa isang cottage malapit sa beach, ngunit wala namang anumang ibinigay na detalye si Maine, kung saang lugar o beach kinunan ang naturang larawan nil ani Arjo.

Hindi naman nagtagal ay nagpost na rin si Arjo ng kanilang larawan ni Maine sa kanyang social media accout, kung saan ay makikita na nakadikit ang mukha nila ni Maine, habang masayang nakangiti sa kamera. Mapapansin rin na naka-topless ang award-winning actor, at si Maine naman ay nakasuot ng swimwear.

Base nga sa larawan na ibinahagi ni Arjo, ay kuha rin nga ito sa isang beach.
Narito naman ang naging caption ni Arjo sa larawan nil ani Maine na kanyang ibinahagi;
“I love you more than you could possibly imagine. Happy 2nd anniversary bubs! (Red heart emoji!)”




Matatandaan na ika-21 ng Disyembre 2019 ng isapubliko nina Maine at Arjo ang kanilang relasyon, at ito ay sa pamamagitan ng IG post ni Maine, kung saan ay makikitang nag-komento si Arjo ng “I’m crying…. I love you.”

Marami naman ang umaasa na ang pagmamahalan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ay mauuwi sa kasalan. At inamin rin ng dalawa, na ang mga ganitong usapin nga ay napag-uusapan na rin nilang dalawa, at umaasa sila pareho na ang relasyon na mayroon sila ngayon ay doon na rin ang tungo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *