Magkasintahang Maine Mendoza At Arjo Atayde Talaga Namang Overload Sa Kilig Ang Ka-Sweetan Sa Kanilang Mga Larawan

Nagmala-Rosalinda ang Kapuso actress na si Maine Mendoza sa naging kasal ng kanyang kapatid. Kung saan ay talaga namang bumagay sa aktres, ang kanyang suot-suot na red long dress, at ang kanyang buhok ay naka-curly hair na may naka-sukbit pa ngang bulaklak sa kanyang isang tainga, na talaga namang bagay sa kanyang OOTD.




Ang “Rosalinda” ay isa sa mga Mexican series na talaga namang pumatok at minahal ng maraming mga Pinoy, lalo na’t ang bumida dito ay ang napakaganda at napakaseksing si Thalia.

Photo Credit: arjoatayde/Instagram

Nito nga lamang ngang nakaraan ay nagbahagi si Maine Mendoza ng mga larawan niya na kuha sa naging kasal ng kanyang kapatid. Kasama nga ng aktres sa ilang mga larawan ang kanyang nobyong aktor na si Arjo Artayde, kung saan naman ay nakita ang pagiging sweet nila sa isa’t isa, at bagay na bagay talaga sila.

Photo Credit: arjoatayde/Instagram

Makikit nga sa mga larawan, na mas lalo pang bumagay ang dalawa, dahil sa tinernuhan ni Arjo ng red ribbon ang kanyang gray suit, na bumagay din sa suot na dress ng kanyang nobyang aktres.

Photo Credit: arjoatayde/Instagram

Labis namang kinilig ang mga taganga at tagasuporta ng dalawa, dahil sa mga super kilig na larawan ng magkasintahan.

Photo Credit: arjoatayde/Instagram

Narito nga ang mga naging komento ng mga netizens sa mga nakakakilig na larawan ng magkasintahan;

Photo Credit: arjoatayde/Instagram

“Bagay na bagay sila. Iba talaga pag may support ng pamilya, lalo ang ga magulang.”
“Sa dimples mol ang ako nakatitig Arjo ha (zoom in)”

“I can’t wait for Maine to land on this role in the upcoming Rosalinda remake with Arjo as the leading man. She’s a perfect actress to portray the iconic character popularized by Mexican celebrity and singer Thalia Sodi Motolla.”

“Bagay na bagay sila, parehong mukhang mabait, sana sila na magkatuluyan.”
“Tanggap ko na di talaga sila ang para sa isa’t is ani Alden pero avid fan pa rin nila akong dalawa nung panahon na sobrang stress ako sa buhay [red heart emoji] kung saan sila masaya support lang ako.”




Mababakas nga sa mukha ng magkasintahang Maine at Arjo ang kasiyahan na kanilang nadarama, base sa larawan nilang magkasama. Napakaganda naman talaga ni Maine sa suot suot niyang red dress, at napakagwapo naman ni Arjo sa kanyang suot na suit, lalo pa’t kaytamis ng ngiti nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *