Magkasintahang Mika dela Cruz At Nash Aguas Sobrang Enjoy At Sweet Sa Naging Bakasyon Sa Palawan

Sa mundo ng showbiz ay marami tayong mga hinahangaan at sinusubaybayang couples, dahil na rin sa kanilang nakamamanghang kuwento ng pag-ibig. Isa sa mga pinakasusubaybayang couples ngayon sa showbiz ay ang magkasintahang sina Mika dela Cruz at Nash Aguas. Ang dalawa ay parehong nagsimula sa pag-aartista sa kanilang murang edad, at ang mundo ng showbiz nga ang naging daan upang magtagpo ang kanilang landas.




Tila nga masasabi na ang dalawa na ang nakatadhana sa isa’t isa, sapagkat nagsimula sila sa pagkakaibigan, at minsan ng panandaliang nagkahiwalay ngunit muli ngang pinagtagpo upang magsama at mas lalo pa ngang pagtibayin ang pagmamahal nila sa isa’t isa. At sa relasyon nga ngayon ng dalawa, ay makikita nga ang tamis ng pagmamahalan nila at kung paano nila sabay na inaabot ang kanilang mga pangararap.

Photo Credit: mikadlacruzInstagram

Isa nga sa mga pangarap ng magkasintahan ay ang makapag-travel sila, at nito lamang nakaraan ay nabigyan na nga nila ito ng katuparan, matapos nilang magbaksyon na magkasama sa Palawan at ayon nga kay Mika ito nga pinaka- first travel nila bilang magkasintahan.

Photo Credit: mikadlacruzInstagram

Makikita sa mga ibinahaging larawan ni Mika sa kanyang Instagram account ang naging masaya nilang travel ni Nash sa El Nido, Palawan. Ayon nga sa aktres ito ang kauna-unahang travel nila kaya naman talagang sinulit nila ito upang makabuo ng maraming mga sweet at memorable memories nila.

Photo Credit: mikadlacruzInstagram

Dagdag pa nga ng aktres, sa loob ng 4-taong relasyon nila ni Nash, ay ngayon lamang umano sila nakapag-plane ride na magkasama. “Almost 4 years together & this is the first time that I got to experience travelling plane with you. Can’t wait for the next adventure where we are faced with countless opportunities for growth and creating core memories”, ani Mika sa kanyang IG post.

Photo Credit: mikadlacruzInstagram

Sa mga larawan ngang ibinahagi ni Mika sa kanyag Instagram, ay makikita ang sweetness nilang magkasintahan, katulad na nga lamang ng larawan nila sila ay nakasakay sa bangka at magkatalikuran ngang nakaupo, ngunit nakataas naman ang kanilang magkahawak na kamay sabay nakangiti sila ni Nash sa kamera.




Dahil nga sa mga nakakakilig na larawan na ito ng magkasintahan, ay marami nga sa kanilang mga tagahanga at tagasubaybay ang hindi rin napigilan ang kiligin, at nag-iwan pa nga ito ng mga komento. “Love love love Mika and Nash….
“Sweet Nash and Mika “My MikAsh heart is sailing.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *