Magkasintahang Pia Wurtzbach At Jeremy Jauncey Ipinasilip Ang Kanilang Masaya At Romantikong Bakasyon Sa Morocco

Dahil sa naging mahaba-haba ang hindi naging pagkikita at pagkakasama ng magkasintahang Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncy, ng muli silang magkita at magkasama, ay talaga namang sinulit na ng dalawa ang bawat sandai na sila’y magkasamang muli.




Matatandaan na bago mag bagong taon ay nagbakasyon ang magkasintahan sa Maldives, at doon na nga nila sinalubong ang pagpasok ng Bagong Taong 2021, at ngayon nga ay muli na naman nagbakasyon sina Pia at Jeremy, at sa pagkakataong ito ay sa bansang Morocco naman sila nagtungo, kung saan ay puno ng kilig at saya ang kanilang bakasyon.

Photo Credit: piawurtzbach/Instagram

Sa kani-kanila ngang Instagram account ay ipinasilip ng magkasintahan ang naging kaganapan sa masayang bakasyon nila sa Morocco. At tila nga talagang enjoy ang dalawa, dahil sa bumabaha ang mga sweet photos nila sa kanilang IG account.

Photo Credit: piawurtzbach/Instagram

Makikita sa Instagram account ni Miss Universe Philippines 2015 Pia Wurtzbach ang naging pagbabahagi niya ng mga larawan at video sa naging bakasyon nila sa Morocco. Dito nga ay masisilayan ang masaya at punong-puno na pagmahahalan nila ni Jeremy habang namamasyal sa mga magagandang lugar na pinuntahan nila sa naturang bansa.

Photo Credit: piawurtzbach/Instagram

Ibinahagi naman ni Jeremy Jauncey sa kanyang Instagram account na una niyang nabisita ang bansang Morocco noong siya ay nasa edad twenties pa lamang.

Photo Credit: piawurtzbach/Instagram

“I first came to Morocco in my early twenties when a friend moved to the beautiful little surfing town of Taghzout to set up a surf school & explore the Moroccan way of life.”

Photo Credit: piawurtzbach/Instagram

Mula umano ng marating ni Jeremy ang naturang bansa, ay natutunan na niyang mahalin ito, at maging ang kultura nito ay agad niyang na-adopt sa kanyang sarili. Nagkaroon rin siya ng maraming mga kaibigang Moroccan.

Photo Credit: piawurtzbach/Instagram

“It started a love for country & its people that has grown stronger over the years as I’ve learnt more about its culture and built more friends in Moroccan tourism industry,” ani Jeremy.

Photo Credit: piawurtzbach/Instagram

Para rin sa nobyo ni Pia Wurtzbach, dahil sa gandang taglay ng Morocco, ay itinuturing niya na ito na kanyang pangalawang tahanan.

Photo Credit: piawurtzbach/Instagram

Hindi nga maikakaila na sa mga larawang ibinahagi ng magkasintahan na kuha sa naging bakasyon nila sa Morocco, ay talagang nag-enjoy sila, at sinulit ang bawat oras at panahon na sila ay magkasamang muli, dahil sa talagang punong puno ng pagmamahalan ang kanilang mga larawan.




Matatandaan na noong nakaraang taon ng inanunsyo nina Pia at Jeremy sa publiko ang kanilang relasyon, ito ay matapos nilang maitampok sa cover ng Tatler Philippines. Ipinagdiwang naman ng magkasintahan ang kanilang 1st anniversary noong buwan ng Disyembre 2020.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *