Magkasintahang Vin Abrenica At Sophie Albert Magsasama Na Umano Sa Iisang Bubong

Kamakailan lamang ay ibinandera ng magkasintahang Vin Abrenica at Sophie Albert na silang dalawa ay magsasama na sa iisang bahay, ito nga ay makalipas ng 8-taon nilang relasyon bilang magkasintahan.




Sa latest post nga ng Kapuso star sa kanyang Instagram, ay ipinakita nito ang larawan nila ni Vin, na kuha habang sila ay nasa loob ng isang bahay, kung saan ayon sa kanya ito ang magiging bahay nilang magkasintahan. Caption na inilagay ni Sophie sa larawan na ito ay;

Photo Credit: vinabrenica/Instagram

“Another milestone for us, WE ARE MOVING IN TOGETHER!!!!”
“It’s moving a lot slower than we expected, but we’re hopeful that our home is coming together very slowly, but surely. Konti na lang! Kapit lang!”

Photo Credit: vinabrenica/Instagram

Makikita rin sa IG ng Kapamilya actor Vin Abrenica, ang naging post rin nito ng larawan nilang dalawa ni Sophie, na kinunan rin sa kanilang magiging love nest. Kasabay nito ay inamin rin ng aktor, na habang ginagawa nila ang bahay, ay napakarami niyang narealize sa kanilang buhay.

Photo Credit: vinabrenica/Instagram

“If you saw @itsophiesalbert’s post, yes we are moving in together!! Sinabi na niya lahat eh. Wala na. So, eto na lang, to vlog ot not to vlog?”, ang naging simula ng ang caption ni Vin.
Dagdag pa nito, “Sobrang dami naming natutunan sa process na ito. Malapit na malapit na matapos ang aming bahay! Yahoo!”

Photo Credit: vinabrenica/Instagram

Kasunod nga ng post na ito ng magkasintahan, ay ang sunod-sunod na pagbati sa kanila ng mga kaibigan nila sa showbiz, kabilang na sa mga ito sina Mark Herras, Kris Bernal, Carla Abellana, Nicole Donesa, EA Guzman, Shaira Diaz at marami pa ngang iba.

Photo Credit: vinabrenica/Instagram

Tila abangers naman ngayon ang iba pang kaibigan ng dalawa at kanilang mga tagahanga, kung ano ang susunod na magiging pasabog nilang announcement. May iba nga na nagsasabi na baka ang maging sunod na i-anunsyo nina Vin at Sophie, ay ang pagbubuntis umano nito.

Photo Credit: vinabrenica/Instagram

May mga chika kasi nabuntis umano ang Kapuso star sa magiging first baby nila ni Vin, ngunit ito ay hindi pa naman kinukumpirma ng magkasintahan.




Matatandaan na noong taong 2016 ay naghiwalay sina Vin at Sophie, dahil sa “personal and career-related problems”, ngunit matapos ang ilang taong paghihiwalay ay nagkabalikan rin ang dalawa noong taong 2019, kung saan ay masaya nila itong ibinahagi sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *