Mahalagang Tips Para Sa Pagiging Isang Mabuting Ama Ibinahagi Ni Troy Montero

Si Troy Montero ay isang kilalang matinee idol noon. Siya ay ikinasal sa dating sexy star na si Aubrey Miles. Matapos iwanan ang showbiz ay isa ng ideal family man ngayon si Troy, at kasama niya ang kanyang asawa sa pagpapalaki ng tatlo niyang mga anak na halos malalayo ang gap sa isa’t isa.



Ang unang anak ng mag-asawa ay si Maure na nasa teenage stage na, ito ay anak ni Aubrey Miles sa ex-boyfriend nito na si JP Obligacion, ngunit itinuturing na itong tunay na anak ni Troy. Si Hunter naman ang panagalawa nilang anak, at ang pangatlo ay ang kanilang unica hija na si Rocket na noong isang taon lamang ipinanganak.
Photo Credit: milesaubrey/Instagram
Pagdating sa kanyang mga anak, ay buong pagmamalaki si Troy knavery hands-on daddy siya, na kahit umano blind folded ay kaya niyang magpalit ng diaper.
Photo Credit: milesaubrey/Instagram
Noon ngang Pampers Super Brand Day, ay nagbahagi si Troy ng ilang mga tips kung paano para sa kanya ang tamang pagpapalaki ng anak.
Photo Credit: milesaubrey/Instagram
Ibinahagi rin ng dating matinee ido kung gaano siya nag-eenjoy sa pagiging isang ama, at para sa kanya mas lalo siyang bumabata dahil sa pagiging isa niyang ama at pag-aalaga’t pagmamahal niya sa kanyang mga anak.
Photo Credit: milesaubrey/Instagram
Mapapansin rin na ang mga anak nina Troy at Aubrey ay may malayong gap ng edad sa isa’t isa, at ayon nga kay Troy ay may purpose kung bakit malayo ang gap ng mga ito.
Photo Credit: milesaubrey/Instagram
Ayon sa dating aktor, nais nila na sa pagkapanganak ng kanilang anak ay mas mabigyan ng oras ito, sa pagkakaroon din ng malaking gap sa bawat isa ay mas madaling naiintidihan ng unang anak kung bakit mas binibigyang atensyon ang bagong baby.
Photo Credit: milesaubrey/Instagram
Narito nga ang ilan sa mga tips ni Troy Montero sa pagiging isa niyang ama;
Nevek Keep Angry Naniniwala ang aktor na kung mayroon mang tampuhan sa pagitan mo at ng iyong mga anak o asawa, ay hindi dapat ito pinapatagal at kinakailangan na bago matulog at maayos ito.
Photo Credit: milesaubrey/Instagram
Wala umano dapat negativity na nararamdaman sa iyong pagtulog, dahil pareho itong may hindi magandang maidudulot sa isa’t isa. Naniniwala din ang aktor, na ang ganitong parenting style ay firm but fair.
Stay Healthy
Ibinahagi rin na aktor na bilang isang ama ay kinakailangan na alagaan palagi ang kalusugan. Ayon sa aktor, namatay ang kanyang ama ng mga panahon na buntis pa lamang si Aubrey sa kanilang anak na si Rocket, kaya naman hindi na niya ito pa nasilayan.
At sa pangyayari ng ang ito, ay narealize ng aktor na sa isang iglap ay maaaring may mangyari, kaya naman mas sinisigurado niya na siya ay magiging malusog pa at malakas upang makasama at alagaan pa niya ng matagal ang kanyang mga anak.
Bad and Good Cop
Ayon rin sa aktor, ang pagbibigay disiplina at pangaral sa bata, ay dapat pareho ng magulang ang gumagawa. Dahil para sa aktor, kung ang isang cool parents ay bigla na lamang magbibigay ng disiplina, ay betrayal ang magiging pakiramdam nila dito. Kaya mas mainam kung ang ina at ama, ay pareho ng pagdidisiplina ngunit sa kabilang banda ay marunong din makipaglaro o mag-enjoy kasama sila.
Ibinahagi rin ni Troy, na bawat panahon na kasama niya ang kanyang mga anak, anyone-enjoy niya, tulad na lamang ng ibinigay niyang oras sa panganay na na dahil ito ay isa ng teenager ay nakakapag-bonding na sila pareho at minsan ay umiinom ng silang dalawa lamang.
Pinapahalagahan din ng aktor, ang kalambingan sa kanya ng kanyang pangalawang anak na si Hunter, dahil sa tuwing hinahatid niya umano ito sa school ay hindi nito nakakalimutan ang humalik sa kanyang psingi at alam niya na sa paglaki nito ay hindi na ito magagawa pa ng anak.



Ine-enjoy rin ni Troy ang pag-aalaga sa kanilang baby Rocket, ang pagpapalit ng diaper nito, pagpapakain at pagpapaligo dito, dahil alam niya na hindi habang buhay ay mananatiling bata ang mga ito.
Nakakabilib nga naman ang pagiging isang hands-on dad ni Troy Montero, at sana lahat ng mga ama ay ganito rin ang maging pagmamahal at pag-aalaga sa kanilang mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *