Maja Salvador At Ex-boyfriend Na Si Rambo Nunez Nagkabalikan Na Makalipas Ang Ilang Taon Na Paghihiwalay

Sadya nga talagang walang makakapagsabi kung kailan darating sayo ang tunay na taong magmamahal sayo ng lubusan. May taong darating sa buhay mo na akala mo siya na nga talaga, pero iiwan ka rin naman at magmamahal ng iba.

Photo Credit: iammajasalvador/Instagram




Meron namang tao na iniwan mo dahil akala mo hindi siya yung para sayo pero yun pala nakalaan na siya na maging kasama mo kahit pa ilang taon kayong nagkahiwalay at kahit pa ikaw ang umiwan sa kanya.

Photo Credit: iammajasalvador/Instagram

Ganito ang naging love story ng aktres na si Maja Salvador, makalipas ang siyam na taon na nagkahiwalay sila ng kanyang dating nobyo at nagkaroon siya ng rules sa kanyang sarili na wala ng balikan sa EX ay heto ngayon ang aktres at muling pinatunayan na ang pagmamahal ay mas lumalalim at mas tumitibay sa pangalawang pagkakataon.

Photo Credit: iammajasalvador/Instagram

Noong Marso ay ibinunyag ng aktres na siya at ang kanyang dating boyfriend na mahigit 9 na taon na si Rambo Nunez ay muling nagkabalikan.

Photo Credit: iammajasalvador/Instagram

Si Rambo Nunez ay ang dating kasintahan ni Maja na isang businessman, ang kanilang relasyon ay tumagal ng halos siyam na taon bago sila humantong sa paghihiwalay.
Noong nakaraan ngang Valentine’s Day, ay muling pinakilig ni Rambo ang aktres ng padalhan nito ng kumpol na bulaklak. May mga larawan din ang dalawa na silang dalawa ay muling magkasama at masaya.

Photo Credit: iammajasalvador/Instagram

Sa isang panayam sa aktres, ay kanyang sinabi na noong mga panahong iyon na muling inilabas sa publiko ang larawan nila ni Rambo na magkasama ay 1000% sure na siya na handa na siya sa muling pakikipagrelasyon niya sa dating nobyo.

Photo Credit: iammajasalvador/Instagram

Ikinuwento din ng aktres na kahit matagal silang nagkahiwalay ni Rambo, ay mainit pa rin ang naging pagtanggap ng pamilya nito sa kanya sa muli nilang pagbabalikan kahit pa nga na iniwan niya si Ram noon.

Photo Credit: iammajasalvador/Instagram

Naikwento din ng aktres na noong maghiwalay sila ni Ram ay kailangan niya munang mamili kung ano ang kanyang priority nung mga panahong iyon, at ang career ang pinili ni Maja noon dahil mas kailangan niya ito upang suportahan ang kanyang pamilya.

Photo Credit: iammajasalvador/Instagram

Ayon pa din kay Maja, sa ginawa niyang desisyon na muling pag entertain at pakikipag balikan kay Ram ay I siya mismo ang bumalik sa kanyang sariling rules na “walang balikan sa EX”.

Photo Credit: iammajasalvador/Instagram

“Minsan you break your own rules, and I think it’s worth it.” ang naging pahayag ni Maja.
Nitong nakaraan nga ay may mga larawan ang dalawa na ibinahagi sa kani-kanilang social media account na kung saan ay enjoy silang pagbabakasyon sa Amanpulo, Palawan.

Photo Credit: iammajasalvador/Instagram

Makikita na masaya ang aktres sa isa niyang larawan sa kanyang Instagram, na kung saan siya ay naka blue one-piece swimwear habang umiinom ng wine.

Taong 2010 ng maghiwalay sina Maja at Rambo, na kung saan ay ayon sa aktres na siguro noong mga panahon na iyon ay hindi talaga sila nabigyan ng chance na maging maayos at makapag usap at ngayon, ngayon yung tamang pagkakataon at chance na ibinigay sa kanila na ayusin ang relasyong alam nila na mas lalo pang pinatibay ng kanilang pinagdaanan.

Nagbigay din ng pahayag si Maja kung bakit muli ay pinili niya si Rambo na makasama at mahalin. “Walang pagbabago, very family oriented and super love niya ang mommy niya. E, isa yun sa mga hinahanap ko.




Kasi ang sabi nga nila, dapat mahanap mo ang lalaking sobrang mahal ang nanay, para alam mo kung paano ka rin niya mamahalin. Ang ang family nila, sobrang bait.” Masaya ang mga tagahanga ng aktres sa muling pagbabahagi niya ng kanyang buhay pag-ibig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *