Maja Salvador At Kim Chiu Naibalik Ang Pagiging Mag Bestfriends Ngayon

Sa kabila ng pagiging makulay at magarbo ng mundo ng showbiz, hindi natin maipagkakaila ng magulo rin ito. Maraming mga kontrobersiya at isyu ang bumabalot sa mundo ng showbiz. Bawat galaw ng mga artista ay talagang bantay sarado ng mga tao.

Mas lalo pang naging bulgar ang kanilang buhay dahil sa paglago ng social media kung kaya’t bawat pangyayari sa kanilang buhay ay alam ng buong sambayanan kahit sa pinakamaliit na bagay. Hindi rin pinapahalagahan ng mga media ang mga balita lalo na kapag ito ay tungkol sa hidwaan ng dalawang artista.

Photo Credit: @chinitaprincess/Instagram




Isa sa mga pinaka pinag usapan ng hidwaan noon ay kina Maja Salvador at Kim Chiu. Matatanda Ang naging real-life couple sina Kim Chiu at Gerald Anderson na kapwa nanggaling sa Pinoy Big Brother noong 2010. Matapos ang kanilang hiwalayan, hindi naman nagkibuan ang magkaibigang Maja at Kim matapos aminin ni Maja na may relasyon sila ni Gerald noong 2013. Hindi naman nagtagal ang kanilang hindi pagkibo sa isa’t-isa dahil isang taon bago maghiwalay sina Maja at Gerald noong 2015, nagkaayos ring muli ang dalawa.

Photo Credit: @chinitaprincess/Instagram

At nito lamang, muling pinatunayan ng dalawang aktres na walang lalaki ang nakakasira sa kanilang relasyon. Nagbahagi ang dalawang aktres ng mga litrato sa kani-kanilang Instagram account kung saan makikita ang dalawa na nag-eenjoy at nagkaroon ng bonding sa New York sa America.

Nandoon sila dahil parte sila ng Kapamilya World Fiesta. Maraming mga netizens ang natuwa dahil sinusuportahan nilang dalawa ang isa’t-isa lalo pa’t may bagong programa ngayon si Maja na ang The Killer Bride. Makikita sa Instagram ni Kim na todo ang suporta nito para sa kanyang kaibigan.

Photo Credit: @chinitaprincess/Instagram

Sa kasalukuyan, nadawit na naman si Gerald sa panibagong kontrobersiya nila nina Bea Alonzo at Julia Barretto. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit lumutang na naman ang isyu nina Kim at Maja dahil pawang mga dating kasintahan ng aktor ang dalawa.
Sana’y huwag magaway-away ang mga kababaihan dahil lamang sa isang lalaki.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *