Makalipas Ang 50-Taon Muling Nakita Ni Jobert Austria Ang Kanyang Biological Mother

Lingid sa kaalaman ng marami sa atin, ang komedyanteng si Jobert Austria o mas kilala ng publiko bilang si Kuya Jobert ay lumaki na hindi nakagisnan ang kanyang tunay na ina. Ito nga ay sa kadahilanan na sanggol pa lamang siya ng ipa-ampon siya nito, kaya naman hindi niya talaga ito nakilala.




Halos 50-taon ngang hindi nakasama o nakilala man lang ni Kuya Jobert ang kanyang tunay na ina matapos siya nitong ipaampon. Ngunit, nito ngang ika-7 ng Mayo ay isang magandang balita ang ibinahagi ni Kuya Jobert sa kanyang vlog, kung saan ay sinabi niyang ang araw na ito ay espesyal dahil dumating na ang matagal na niyang pinapangarap, ang makita at makilala ang kanyang tunay na ina na halos 50-taon niyang hindi nakilala.

Image Credit via YouTube

Ayon kay kuya Jobert, sa 50-taon na pagkakawalay niya sa kanyang tunay na ina, ay napuno ng katanungan ang kanyang isipan, ngunit ngayon ay labis na pasasalamat at sa kasiyahan ang nadarama niya dahil sa makakapiling na niya ang tunay niyang ina na matagal niyang hindi nakita at nakasama.

Image Credit via YouTube

Magkahalong emosyon nga ang nadama ni Kuya Jobert sa unang pagkikita nila ng kanyang ina, kaya naman talagang hindi niya napigil ang maiyak ng yakap yakap na niya ito.

Image Credit via YouTube

Sa naging emosyonal na pagkikita nga ng mag-ina ay ipinaliwanag ni Nanay Armanda sa anak niyang si Kuya Jobert ang kanyang naging dahilan kung bakit nagawa niyang ipaampon ang anak, at ito nga umano ay dahil nga sa labis na kahirapan.

Image Credit via YouTube

Pagbabahagi naman ni Nanay Armanda, naging masakit din para sa kanya ang desisyon niya noon na ipa-ampon ang anak niyang si Kuya Jobert. “Ang tagal ko siyang hindi nakita. Biruin mo, 50 years siguro.

Image Credit via YouTube

Tagal na kasi yon bagong panganak pa lang ako binigay na siya ng nanay ko dun sa nag-ampon”, sambit nga nito. Buong puso namang pinatawad ni Kuya Jobert ang kanyang ina sa nagawa nitong pagpapa-ampon sa kanya.

“Pinapatawad na kita kahit na hindi kita niyakap nu’ng mga panahon na mag-isa lang ako. Ang hirap-hirap kaya nu’ng bata pa ako. Minsan umiiyak ako, hindi ko alam. Iba yung pakiramdam ng totoong nanay, di ba?”, ang naging madamdamin ngang saad ni Kuya Jobert.

Video Credit: JObert Austria/YouTube

Matapos ang naging madamdaming pagtatagpo ni Kuya Jobert at ng kanyang tunay na ina, ay masaya at magkasabay naman silang kumain sa unang pagkakataon.




Base naman sa mga naging ulat, nakita ni Kuya Jobert ang kanyang tunay na ina sa tulong ng isang netizens na kinilalang si Jeremy Menorca. Nagpadala kasi ito ng mensahe sa kanya na nagsasabi nga na hinahanap siya ng kanyang tunay na ina na naninirahan nga sa San Jose del Monte, Bulacan kung saan ito nga ay si Nanay Armanda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *