Makalipas Ang Mahigit Isang Taon Tito, Vic At Joey Muling Nagkita-Kita At Nagkasama

Mula ng ipatupad ang lockdown noong nakaraan pang taon dahil sa krisis ay hindi na nagkita-kita pa sina Tito Sen, Vic at Joey. Ito nga ay dahil sa pansamantalang natigil ang live-airing ng kinabibilangan nilang Kapuso noontime show na “Eat Bulaga”, bilang pag-iingat na rin sa paglaganap.




Buwan ng Hunyo 2020 naman ay bumalik na sa studio ang ilang mga Dabarkads, ngunit ang iba ngang mga host nito, kabilang na sina Bossing Vic at Joey, ay pansamantalang nanatili sa kanilang tahanan at nakakasama lamang ng mga viewers sa pamamagitan ng work-from-home set up dahil nga ang mga ito ay senior citizen na.

Image Credit via Google

Si Sen. Tito naman ay nagre-report sa senado sa pamamagitan nga Zoom conference kasama ang iba pang senador.

Image Credit via Google

Batid natin na isa sa mga naging restriksyon ng magkaroon ng lockdown sa iba’t ibang panig ng ating bansa dahil sa krisis ay ang pagbabawal sa mga senior citizens na lumabas sa kani-kanilang tahanan dahil nga sa mas malaki ang tsansa na sila ay mahawaan ng naturang karamdaman.

Image Credit via Google

Kaya naman sina Tito, Vic at Joey, ay talagang nasa kanilang mga tahanan lamang sa panahon ng lockdown, upang pag-iingat na rin sa kanilang sarili.

Image Credit via Google

Ngunit nito nga lamang nakaraan, ng magdiwang ng ika-50th wedding anniversary ang mag-asawang Tony at Mads Tuviera na dinaluhan ng kanilang mga kapamilya at malalapit na kaibigan, ay tila nagkaroon ng reunion ang TJV.

Image Credit via Google

Muli ngang nagkita ang tatlong Eat Bulaga host na sina Tito, Vic at Joey sa nasabing pagdiriwang. At mababakas nga sa naging pagkikita nilang tatlo ang kanilang labis na kasiyahan dahil sa mahigit isang taon na hindi sila nagkita, ay nagkasama at nagkita muli sila.




Hindi nga lamang reunion ng tatlo ang naganap sa naging wedding anniversary nina Tony at Mads, dahil ang mag-asawang Vic at Pauleen ay sinamantala rin ang nasabing pagkakataon na makapag-date silang dalawa sa nasabing venue kung saan naganap ang 50th wedding anniversary na kanilang dinaluhan.

Halos ilang buwan rin kasing hindi nakapag-date ang naturang mag-asawa, dahil sa nanatili at nagkukulong lamang sila sa kanilang tahanan sa panahon ng lockdown.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *