Makisig Morales At Asawang Si Nicole Joson Hinangaan Dahil Sa Magagandang Larawan

Isa sa mga umereng serye noon sa telebisyon na inabangan ng maraming mga manonood lalo na ng mga kabataan ay ang ‘Super Inggo’ ng ABS-CBN network, kung saan ito nga ay pinagbidahan ng sikat na child wonder noon na si Makisig Morales. Lingid naman sa kaalaman ng marami sa atin na ang dating child wonder na si Makisig ay ikinasal na sa kanyang nobya at ngayon nga’y asawa nan a si Nicole Joson, na isang beauty queen na may lahing Filipino-Australian.




Ang mag-asawa ay ikinasal sa La Perouse, ang isa sa mga sikat at dinarayong lugar sa Sydney, Australia. Sa kasalukuyan nga ay hindi na natin gaanong nasisilayan sa anumang mga proyekto sa telebisyon ang dating chil wonder na si Makisig Morales, ito nga ay dahil sa ngayon ay naninirahan na si Makisig at ang kanyang pamilya sa nasabing bansa.

Photo Credit via Instagram

Ayon sa ilang mga ulat, nakilala ni Makisig ang kanyang asawang si Nicole Joson ng sila ay lumipat sa Australia. Ang kagandahan nga ng beauty queen ay bumihag sa puso ni Makisig.
Si Nicole Joson ay nagwaging Australia Charity 2017 at naging isa rin siya sa mga finalist ng Miss World Australia 2017. Hindi lang siya basta maganda sa panlabas na kaanyuan, dahil mabuti rin ang kalooban niya kaya naman si Makisig ay napaibig niya.

Photo Credit via Instagram

Samantala, nito nga lamang nakaraan ay umagaw sa pansin ng publiko ang mag-asawang Makisig at Nicole. Ito nga ay matapos na kumalat sa social media ang mga kamangha-manghang larawan ng mag-asawa na kuha sa kanilang ginawang photo shoot.

Photo Credit via Instagram

Ang mas umagaw naman sa atensyon ng marami, ay ang naging pagbibida ng mag-asawa sa Pambang Kasuotan ng Pilipinas, at ito nga ay ang Barong Tagalog para sa kalalakihan at Baro’t Saya naman para sa kababaihan.

Photo Credit via Instagram

Sa mga larawan ay makikita na suot ni Makisig ang Barong Tagalog, habang ang kanyang misis na si Nicole ay nakasuot naman ng Baro’t Saya. Litaw na litaw naman ang kakisigan ni Makisig, at ganun rin ang kagandahan ni Nicole sa photo shoot nilang ito. “Let’s go. Napasabak ang lolo niyo sa pag momodel. Kidding aside, I’m blessed to be working with these talented people. Grabe yung sand dunes adventures natin.

Pero it’s experience I will never forget. Love love love”, ang naging saad ni Makisig sa caption ng larawan na kanyang ibihagi, kung saan ay kanya ngang sinabi na isa ito sa mga karanasan na hindi niya malilimutan. Nagbahagi rin si Makisig ng larawan ng kanyang napakagandang asawa habang nakasuot ng Baro’t saya, at kalakip nito ay ang caption niya na naglalahad ng kanyang appreciation message para sa kanyang misis na si Nicole.




“A safe and peaceful afternoon everyone. I just want to share this because every time I see this photo, I see an independent, strong, and loving person who will never give up kahit ilang beses madapa. May topak minsan? Sure. Lahat naman ng tao, pero kahit ganun mas matimbang parin yung love. Wag ka mag-alal, hindi ako magsasawang suyuin ka at gawan ka ng tea or coffee every morning. I love you @_nicolejoson_”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *