Makisig Morales Heto Na Pala Ang Masayang Pamumuhay Ngayon Sa Piling Ng Kanyang Misis Na Si Nicole Joson

Si Makisig Morales ay isa sa mga mahuhusay na child star noon na nakilala at sumikat sa mundo ng showbiz industry. Ang naging mahusay niyang pag ganap sa batang super hero na si “Super Inggo” na ipinalabas sa telebisyon ang mas nagpatingkad pa lalo ng kanyang pangalan bilang isang child star.




Ngunit ngayon nga ay hindi na natin nasisilayan ngayon si Makisig sa anumang pelikula o serye sa telebisyon, at ito nga ay dahil ang batang kinagigiliwan natin noon dahil sa kanyang mahusay na pag-arte, ay isa ng butihing mister ngayon sa kanyang misis na si Nicole Joson na isang model-beauty queen at sila ngang mag-aswa ay naninirahan na sa bansang Australia.

Photo Credit: makisig228/Instagram

Ikinasal sina Makisig at Nicole noong ika-9 ng Enero taong 2019 sa isang simpleng seremonya na naganap sa Syndey Australia. At talaga namang kitang kita sa naging pag-iisang dibdib nilang dalawa ang kabis na pagmamahal nila sa isa’t isa.

Photo Credit: makisig228/Instagram

Matatandaan na noong taong 2020 ng makapanayam si Makisig sa isang programa sa telebisyon ay inamin niya na siya ang tipo ng taong seloso, ngunit ang kanyang pagiging seloso ay nawala ng maikasal sila ng kanyang misis na si Nicole.

Photo Credit: makisig228/Instagram

Dagdag pa ni Makisig, mas naging matured din siya at mas natutuong magtiwala at magmahal ng labis ng maka-isang dibdib niya si Nicole.

Photo Credit: makisig228/Instagram

Naibahagi naman ni Nicole sa panayam rin na iyon, na dahil alam niyang mahal na mahala siya ni Makisig ay hindi kailanman pumasok sa kanyang isipan na silang dalawa ay maghihiwalay.

Photo Credit: makisig228/Instagram

Samantala, bago nga ikinasal sina Makisig at Nicole ay pareho silang abala sa kani-kanilang karera sa buhay. Si Nicole ay kilala bilang isang beauty queen na hinirang ngang Miss Earth Australia Charity 2017 at New South Wales (NSW) State Finalist for Miss World Australia 2017, samantala si Makisig naman na isang aspiring chef sa Challenger TAFE-Beaconsfield sa Australia ayon sa ilang ulat.

Photo Credit: makisig228/Instagram

Buwan ng Setyembre taong 2018 naman ng hingin ni Makisig ang kamay ni Nicole upang kanya ngang maging kabiyak habang-buhay, at sa Instagram nga ng beauty queen ay makikita ang naging pagbabahagi nito ng kanyang napakagandang engagement ring na may caption na;

Photo Credit: makisig228/Instagram

“Fight for the fairy tale it does exist.” Itinuturing naman ni Makisig na isang biyaya sa kanyang buhay ang asawa niyang si Nicole, dahil ng maging kabiyak na nga niya ito ay mas lalo pang naging makulay at napuno ng kasiyahan ang kanyang buhay.

Photo Credit: makisig228/Instagram

“I did not look for love, but instead love found me and brought me back to him. [pointer emoji] I am grateful to be your other half my love. I love you @_nicolejoson_[heart, inlove, kissing couple emojis].”

Photo Credit: makisig228/Instagram

Para naman sa misis ni Makisig na si Nicole, ay ang kanyang mister na nga ang perpektong asawa dahil ang lahat ng katangian na hinahanap niya sa isang lalaki ay tinataglay na nito.

“Marry the man whose love is like God’s: faithful, eteral and steadfast. This kind of love sticks through the hardest moments and buoys you every storm. It’s a slow love, mundane in its dailyness. But it’s the kind of love you wake up to every morning… because you can trust that it will still be there. I am yours and you are mine. @makisig228”




Sa Instagram ng mag-asawa ay makikita nga ang madalas nilang pagbabahagi ng kanilang mga sweet photos na nagpapakita ng kanilang labis na pagmamahal sa isa’t isa.
Ngayon nga ay dalawang taon ng mag-asawa sina Nicole at Makisig at patuloy na pinupuno ng pagmamahal ang kanilang masayang pagsasama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *