Mamangha Sa Ganda Ng Ipinatayong “Skypod” Mansion Ng Mag-asawang Slater Young At Kryz Uy

“Skypod” eto ang tawag nila Slater at kanyang asawang si Kryz sa kanilang bagong gawang mansyon sa Cebu, ito ay ang kanilang bagong tahanan. Tahanan na kung saan sila bubuo ng kanilang masasayang alaala bilang isang buong pamilya.




Naging stressful at challenging para kay Slater ang pag aasikaso at pagpapagawa ng kanilang mansyon sa Cebu. Hindi pa man ito natatapos ng kabuuan napag desisyunan ng nila ni Kryz na lumipat sa kanilang “Skypod” mansyon.

Image Credit: kryzzzie/Instagram

Isang linggo ang inilaan ni Kryz sa paglilinis, pag-aayos at paglilipat ng kanilang mga kagamitan.

Image Credit: kryzzzie/Instagram

Nagpasalamat din siya sa kanilang pamilya na tumulong sa kanila, sa mga nag-asikaso ng pagbili ng mga halaman, pag aasikaso sa labahan at sa pagluluto ng kanilang pagkain.
Ikinuwento rin ni Slater na hindi naging madali ang pag konstrak ng kanilang mansyon, dahil na rin sa may mga disenyo nito na mahirap gawin.

Image Credit: kryzzzie/Instagram

Kaya ang plano nila noon na matapos lamang ito sa loob ng pitong buwan, ay inabot pa ang pag gawa nito ng siyam na buwan bago sila nagdesisyon na lumipat.

Image Credit: kryzzzie/Instagram

Hindi pa man ito tapos ng kabuuan, pero masaya ang dalawa na makita at matirhan na ang kanilang “Skyler” mansyon na kung saan para sa kanila ito ay ang kanilang tahanan.

Image Credit: kryzzzie/Instagram

Ipinasilip naman ni Kryz ang kanilang dining area na makikita sa larawan ang ganda at lawak nito, kung saan isinaad nya na ito ang kanyang magiging “new spot” kung saan sinabi niya din na “slowly learning the ropes”.

Image Credit: kryzzzie/Instagram

Hindi na rin nabanggit ng dalawa kung magkano ang kabuuan ng nagastos nila sa pagpapagawa nito, pero ayon na rin sa kanila may impact ito sa blogger’s shopping expenses.




Matapos makita ang listahan ng kanilang nagastos sa pagpapagawa ng mansyon ay nagbiro si Kryz na hindi muna siya magshoshopping at bye bye muna at thank you dahil nagkakilala sila.

Image Credit: kryzzzie/Instagram

Malaki man ang nagastos ni Slater at Kryz sa kanilang mansyon, masaya naman ang dalawa dahil mayroon na silang tahanan na kung saan sila ay binubuo ng masayang pamilya. Ibinahagi rin ng dalawa na sa May 13, 2019 ang magiging blessing ng kanilang bagong tahanan.

Image Credit: kryzzzie/Instagram

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *