Mamangha Sa Ganda Ng Tropical Minimalist Vibes Na Bagong Condominium Ng Actress-Model Na Si Sam Pinto

Nais na naman ngang maging active ngayon sa kanyang mga supporters ng actress-model na si Sam Pinto, kaya naman ngayon ay nagbabalik loob ito sa pag gawa ng kanyang mga content para sa kanyang YouTube channel.




Marami nga sa mga tagahang ni Sam ang inabangan ang muling pagbabahagi nito ng content sa kanyang YouTube channel. At nito nga lamang nakaraan, ay ikinatuwa ng mga viewers at subscribers ng actress-model ng magbigay sulyap ito sa bagong condominium unit nila ni ng fiancé niyang si Anthony Semerad.

Image Credit via YouTube

Ibinahagi ni Sam, na kaya naman ngayon lang siya muling nasilayan ng kanyang mga tagahanga, ay dahil 7-buwan silang nanatili sa Australia ni Anthony, dahil sa naipatupad na lockdown at protocols.

Image Credit via YouTube

Ang pagkakataon ngang ito ay sinulit niya upang makasama ang pamilya ng lalaking kanyang mapapangasawa. At kahit nga umano nasa ibang bansa siya, ay abala rin siya sa pag-aasikaso ng bagong condo unit na tinitirhan ni ng fiancé kapag nakabalik na sila sa Pilipinas.

Image Credit via YouTube

Nang makabalik na nga umano sila sa ating bansa, ay agad ng inilipat ang mga gamit nila mula sa lumang bahay patungo sa bagong condi nila at ito nga ay sa tulong ng kanyang driver at personal assistant.

Image Credit via YouTube

Samantala, sa YouTube channel nga ni Sam ay nagbigay pasilip siya sa bagong condo nila ng kasintahan. At talaga nga namang kamangha-mangha ang bawat parte nito, na ayon nga sa kanya ay siya mismo ang nag disenyo.

Sa naging pagpapasilip ng ani Sam ng kanilang condo, ay mapapansin ang pagiging mala-resort na tema nito, kung saan ayon nga sa actress model ay talagang mahilig siya sa tropical na lugar, kaya naman ito ang kanyang ginawa sa bahay na kanyang uuwian.

Chika pa ni Sam, ang fiancé niyang si Anthony ang nagpinta ng lugar, at dahil sanay ito sa ganitong gawain, ay isang araw lamang nito natapos ang pagpipintura.
Narito nga ang ilan sa mga bahagi ng condo nina Sam at Anthony, na talaga namang ikamamangha ang ang ganda ng disenyo.

FOYER AREA

Image Credit via YouTube

Pagpasok ng condo ng magkasintahan, ay ito agad ang bubungad, kung saan nga ay may makikitang salamin sa itaas na bahagi ng cabinet. Makikita nga sa naturang cabinet, na dito nakalagay ang mga kagamitan ng mag-fiance sa tuwing sila ay lalabas, kagaya na nga lamang ng face shield, facemask, sapatos at tsinelas.

LIVING AREA

Image Credit via YouTube

Sa kabila ng pagiging simple nito, ay napakaganda pa rin ng vibes sa bahagi na ito ng bahay. makikita dito ang isang napakalaking sofa na sinasadya umanong ipa-customized ni Sam upang maging katulad ng kanilang upuan sa Australia.

Ang bahagi rin na ito ng bahay ang paborito umanong tambayan ni Sam, dahil sa mayroon itong malawak na bintana, kung saan ay natatanaw nga nila ang pagsikat at paglubog ng haring araw.

DINING AREA

Image Credit via YouTube

Ayon kay Sam ay ipina-customized din niya ang kanilang mapalad na hapag-kainan, ito ay upang masunod nga ang mismong disenyo na gusto niyang maging itsura nito. Anim na tao naman ang pwedeng umupo dito, at mapapansin nga na ang ilaw na nagbibigay liwanag dito ay kakulay ng mga upuan.

COFFEE AREA

Image Credit via YouTube

Dahil sa hindi umano makumpleto ang umaga ni Sam kapag walang kape sa umaga, ay talaga namang sinadya niya ang mag-invest sa mamahaling coffee machine.

BEDROOM

Image Credit via YouTube

Dalawa ang silid sa nasabing tahanan ng mag-fiance, ang isa nga ay ang kanilang master’s bedroom at ang isa naman ay ang magiging guest room na ngayon ay pansamantala muna nila ang ginawang house-gym dahil sa hindi na sila makapag-work out sa labas gawa ng sitwasyon ngayon.

KITCHEN

Image Credit via YouTube

Mapapansin naman sa bahagi na ito, ang pagkakaroon nito ng isang maliit na breakfast counter, kung saan dito umano madalas na si Anthony, dahil sa ito talaga ang chef sa kanilang dalawa. Hindi naman umano hilig ni Sam ang pagluluto.

Dahil nga sa pagiging minimalist at tropical na vibe ng condo ng mag-fiance ay talaga namang napakalinis at aliwalas nitong tignan, idagdag pa ang pagiging organized ng halos lahat ng kagamitan nila.

Mapapansin naman na halos lahat ng mga furnitures nila ay kulay white at beige lamang na nagpadagdag pa nga sa pagiging malinis nitong tingnan.

Video Credit: Sam Pinto/YouTube

Masaya naman si Sam sa naging pagbabahagi niya ng kanilang condo, dahil talaga namang siya mismo ang nag-ayos nito, at ang mismong namili at pumili ng mga kagamitan na para dito.




Marahil ay marami na naman tayong napulot na mga bagong ideya na maari nating gawin sa loob ng ating tahanan, ngayon na nasulyapan natin ang napakagandang tahanan nina Sam at Anthony.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *