Mamangha Sa Isang Dating Beauty Queen Na Ngayon Ay Isang Philippine Army At Naglilingkod Bilang 2nd Lieutenant

Isa sa mga kinoronahan noong Miss Earth Pageant 2018, ay si Zahra Bianca Saldua ng masungkit nito ang korona bilang Miss Air Philippines 2018. Marami nga ang napahanga ng naturang dalaga dahil sa ipinakita niyang angking talino at ganda sa nasabing patimpalak.




Kung noon ay napahanga tayo ng dalaga dahil sa taglay niyang “beauty and brain”, sa pagsali niya sa nasabing beauty pageant mas lalo naman natin siyang hahangaan ngayon dahil sa pagiging isa niyang myembro ng Philippine Army Reserve force.

Image Credit: zbsaldua/Instagram

Ngayon nga ay isa ng second lieutenant si Zahra Bianca Saldua ng Philippine Army.
Sa kanyang Facebook page ay binigyan ng recognation ni Zahra abg lahat ng myembro bg Philippine Army at Philippine Task Force sa pagiging matatapang ng mga ito na ipagtanggol at protektahan ang ating bansa sa kabila ng anumang banta ng panganib.

Image Credit: zbsaldua/Instagram

Makikita nga sa facebook page ni Zahra, ang pagbabahagi niya ng kanyang naging motivation upang maging successful sa pagiging isang Philippine Army.

Image Credit: zbsaldua/Instagram

Ayon sa dating beauty queen, kolehiyo pa lamang siya ay miyembro na siya ng ROTC, dahil alam niyang noon pa man nay nais na niya talagang paglingkuran ang ating bansa.
“Since i was college, being part of ROTC, I always wanted to serve our country.”

Image Credit: zbsaldua/Instagram

Pangarap na nga ni Zahra noon pa ang makapasok sa Philippine Army, dahil nais niyang matulungan ang ating bansa lalo na ang ating mga kababayan.

Image Credit: zbsaldua/Instagram

Ibinahagi rin ni Zahra kung paano siya mas lalong na-inspire na maging isang army.
“I have been with the army for 3 years as their host for many events, and I saw the love they have them for the country and its people.”




Kwento pa nga ni Zahra, taong 2016 ng maging parte siya ng Army Reserve kung saan ay naging host siya ng isang conference para sa mga Army’s Senior leader, at dito nga mas lalo siyang na-inspired kaya naman mula noon ay naging aktibong Army Reservist na siya.

Image Credit: zbsaldua/Instagram

Sa ibinahaging post rin ng dating beauty queen, ay pinasalamatan nito ang kanyang mga naging officer at lahat ng taong tumulong sa kanya na nagbigay inspirasyon sa kanya lalo, upang maging isa sa mga tagapaglingkod sa ating bansa.

Image Credit: zbsaldua/Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *