Mamangha Sa Kagandahan Ng Girlfriend Ni Joseph Marco Na Isang Russian Model

Marami ang talaga namang nagagwapuhan at humahanga sa angking kakisigan ng aktor na si Joseph Marco. Si Joseph Marco ay isa sa mga sikat na aktor ngayon sa indsustriya ng showbiz, na talaga namang kinakikiligan ng maraming mga netizens.




Batid ng marami sa atin na noon ay ang Pinay-Italian Model na hinirang ring Miss Earth Philippines 2018 na si Celesti Cortesi ang karelasyon ng aktor. Ngunit, kamakailan nga lamang ay ginuluta ni Joseph Marco ang publiko, ng ibahagi niya sa kanyang social media account na mayroon ng panibagong babae sa kanyang buhay ngayon na siyang nagpapatibok sa kanyang puso.

Photo Credit: josephcmarco/Instagram

Naging kapansin-pansin rin sa Instagram account ng aktor na burado na ang mga larawan nila ng dating girlfriend niyang beauty queen na si Celesti, at wala na ngang bakas ng kung ano man ang naging relasyon nila noon.

Photo Credit: josephcmarco/Instagram

Ngayon nga ay tila natagpuan na ng aktor ang kanyang tunay na pag-ibig, at ito nga ay sa katauhan ng isang napakagandang dalaga na si Dasha Romanova, na napag-alaman na isang Russian model.

Photo Credit: josephcmarco/Instagram

Matatandaan nga na noon sa Instagram account ng aktor ng ipinakilala niya sa publiko ang kanyang Russian model girlfriend na si Dasha, ay sinabi niyang ang nobya ang siyang itinuturing niyang “missing piece” ng kanyang buhay.

Photo Credit: josephcmarco/Instagram

Makikita naman sa mga Instagram photo na ibinahagi ni Marco sa kanyang Instagram account ang labis na kasiyahan at pagmamahal na kanyang nararamdaman sa piling ng nobyang si Dasha, at ito nga ay base sa kanyang mga ngiti at kislap ng mga mata sa bawat larawan nilang magkasama.

Photo Credit: josephcmarco/Instagram

Talaga namang kakikiligan ang mga larawan ng magkasintaha dahil sa makikita rito kung gaano sila ka-sweet sa isa’t isa.

Isa nga sa kanilang mga larawan na talaga namang nagbigay kilig sa mga tagahanga nilang dalawa ay ang larawan kung saan ay makikita na sila ay nagsusubuan sila ng ice cream at ang isang larawan nila na kuha habang sila ay nakaupo sa batuhan, habang nakayap si Joseph Marco kay Dasha na may napakagandang background view na city light.




Ibinahagi rin ng aktor sa is aniyang Instagram post kung gaano kasaya ang kanyang buhay pag-ibig ngayon sa piling Russian model girlfriend niyang si Dasha. “At times I would find myself crying with happiness.”

“The moment you walked into my life I found a side of me I never knew I had. A side that wpuld sacrifice everything for your happiness.”
“I never felt so safe and secured like this.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *