Mamangha Sa Laki At Ganda Ng Engrandeng Bahay Ng Unkabogable Comedian Na Si Vice Ganda

Isa nga namang inspirasyon sa nakararami kung ang isang bagay na naipundar ng isang tao ay nagmula sa kanyang pinaghirapan. Nakakahanga ang mga taong nagmula sa hirap ngunit dahil sa pagkakaroon ng dedikasyon, sipag at tiyaga ay natupad na nila ang mga bagay na kanilang minimithi sa kanilang buhay.

Image Credit via Google




Isa sa mga istorya ng buhay na hinahangaan ng marami ay ang buhay ng komedyanteng si Vice Ganda. Hindi itinago ni Vice sa publiko na siya ay isang simpleng tao lamang noon na nagtatrabaho bilang komedyante sa isang gay bar. At dahil mayroon siyang angking galing sa pagpapasya ng tao ay nagsimula na nga dito ang magandang buhay ni Vice Ganda.

Image Credit via Google

Ang karera ni Vice ngayon sa industriya ay nasa rurok na nga ng tagumpay, at ang kanyang bituin ay patuloy pa ring nagnining. At dahil nasa rurok ng kasikatan ay unti-unting natupad ni Vice ang mga bagay na hindi niya lubos maisip na tinatamasa na niya ngayon. Isang napakagrabong bahay ang naipundar na ni Vice Ganda at ito ay matatagpuan sa Quezon City.

Image Credit via Google

Ngunit kahit pa ng aba ang bahay na ito ay mula sa kanyang pagsisikap, ay ayon kay Vice ang bahay na kanyang ipinagawa ay inilalaan niya para sa kanyang inang si Rosario.
Isang napakagandang bahay na may walong palapag ang bahay na ito na naipundar ni Vice.

Image Credit via Google

Ang naturang sukat nito ay 380 sq.m sa kabuuan na kung saan ay sadyang napakalaki at napakalawak nito. Si Avelle Francisco naman ang nagdisenyo ng kabuuan ng bahay ng komedyante.

Image Credit via Google

Hindi nga matatawaran sa ganda at garbo ang bahay na ito ng komedyante, malpa loob at labas ay mamamangha ka sa ganda nito. Halos mga salamin ang nakapalibot sa bahay na ito ni Vice, ang hagdan at veranda ay mga gawa sa salamin.

Image Credit via Google

Karamihan rin sa mga kagamitan na makikita rito ay mga custom made o di kaya ay binili pa ng komedyante mula sa ibang bansa na halatang mga mamahalin.




Malayo na nga talaga ang narating ng pamumuhay ni Vice Ganda, ang komedyanteng noon ay sa may bandang Tondo lamang naninirahan sa isang simpleng bahay ngayon ay nagmamay-ari na ng napaka engrandeng bahay at mayroon na ding mga sasakyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *