Mamangha Sa Magandang Pagsasama Ng Mag-Asawang TonTon Gutierrez At Glydel Mercado

Isa sa mga hinahangaan at tunay na kinakikiligang power couple noong taong 90’s sa showbiz ay ang magkaparehong Tonton Gutierrez at Glydel Mercado.



Hindi nga maikakaila na ang dalawa ay parehong magagaling at batikan na pagdating sa pag-arte, at yan ay batid ng mga manonood noong taong 90’s.
Image Credit via Google
Si Antonio Gutierrez o mas nakilala ng publiko bilang Tonton Gutierrez, ay isang Filipino film at television actor.
Image Credit via Google
Isa sa pinaka tumatak na karakter ng kanyang ginampanan ay ng kanyang pagiging si Governor Eduardo Buenavista, sa pinaka-orihinal na hit serye noon na “Pangako Sayo”, na pinagbibidahan ng isa rin sa pinakasikat na tambalan noon na sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa.
Image Credit via Google
Samantala, kilala naman bilang isang batikan pagdating sa mga “kontrabida roles” si Glydel Mercado, o Flordeliza Sanchez sa totoong buhay.
Image Credit via Google
Dahil sa pagiging madalas na magkatambal nina Tonton at Glydel noon sa mga pelikula, ay hindi na nga naiwasan na mahulog ang loob nila sa isa’t isa hanggang sa mauwi na nga ang kanilang relasyon sa pagpapakasal.
Image Credit via Google
Hindi tulad ng ibang tambalan sa showbiz na nagkatuluyan at nagpakasal ngunit nauwi sa hiwalayan, ang pagsasama nina Glydel at Tonton ay talaga namang hinahangaan dahil sa kabila ng pareho silang nasa showbiz, ay napanatili nilang masaya at matatag ang kanilang pagsasama lalo na ng sila’t nagkaroon na ng mga anak.
Image Credit via Google
Matatandaan na noong ika-15 ng Marso taong 2004 ng magpakasal sina Tonton at Glydel sa simbahan ng Sanctuario de San Antonio Parish sa Forbes Park, Makati.
Image Credit via Google
Halos labing-apat na taon na nga mula ng magpakasal ang dalawa, at makikita pa rin sa kanilang pagsasama at sa binuo nilang pamilya na talaga namang napakasaya nila. Ang mag-asawang Tonton at Glydel ay biniyaan ng dalawang magagandang anak sa kanilang pagsasama, ito ay sina Aneeza at Aneeka.
Image Credit via Google
Makikita naman sa mga larawan ng pamilya na madalas silang mamasyal abroad, atk kung gaano kalapit sina Aneeza at Aneeka sa kanilang mga magulang.
Image Credit via Google
Sa isang panayam noon kay Glydel ay ibinahagi nito kung ano nga ba ang sikreto nilang mag-asawa sa pagkakaroon ng isang masaya at matatag na pagsasama. Ayon nga kay Glydel ang pagkakaroon ng “good communication” sa pagitan nilang mag-asawa ang isa sa mga sikreto nilang dalawa.
Image Credit via Google
Nang tanungin naman si Glydel kung ano ang masasabi niya sa asawang si Tonton, ay ito ang naging pahayag ng aktres. “Good provider, mabait, maunawain, …mabait talaga si Tonton, wala akong masabi.”, saad ni Glydel.



Bilang asawa naman ni Tonton, sinabi ni Glydel kung ano siya bilang asawa.
“As a wife, Ako, pasensyoso ako, simple lang. Hindi ako materyosa.”
Kahanga-hanga naman talaga ang mag-asawang Glydel at Tonton, dahil talagang napakagandang tingnan at gawing inspirasyon ng pamilyang kanilang binuo. Masasabi nga natin na tila isang perpektong pamilya mayroon ang mag-asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *