Mamangha Sa Magarang Bahay Bakasyunan Ng Mag-asawang John Estrada at Priscilla Meirelles

Si John Estrada ay kilalang aktor sa industriya ng showbiz at ang kanyang asawa naman na Priscilla ay isa namang beauty queen. Noon ngang Pebrero 2019, ay ipinagdiwang ng mag-asawa ang kanilang ika-walong anibersaryo bilang mag-asawa, kasabay nito ang ika-7 kaarawan ng kanilang anak na si Anechka.

Photo Credit: john__estrada/Instagram




Sa post ni John sa kanyang Instagram ay ibinahagi nya ang mga larawan ng kanilang pamilya na nasa Isla ng Boracay, kung saan nagbigay ang aktor ng isang matamis na mensahe para sa kanyang asawa, “Married for 8 years today and 11 years together. I love you baby. She is amazing.

Photo Credit: john__estrada/Instagram

I’m truly blessed to have her. Road to forever. Salamat PanginooN,” saad ni John sa kanyang Instagram post. Na marami ang kinilig at natuwa dahil sa sweetness ni John kay Prescilla.

Photo Credit: john__estrada/Instagram

At ngayon nga sa kanilang Instagram ay ibinahagi ng mag-asawa sa kanilang mga tagahanga ang kanilang bahay-bakasyunan na matatagpuan sa loob ng Orchard Residential Estates Golf at Country Club sa Dasmariṅas, Cavite.

Photo Credit: john__estrada/Instagram

Marami ang namangha, dahil totoo na ang napakaganda at napakalawak ng bahay bakasyunan na ito ng mag-asawa. Makikita sa mga larawan na ibinahagi ni John, ang eleganteng disenyo ng bahay, ang kanilang napakalapad na glass door, living room na napakalaki na may kulay na neutral kung saan bumagay sa mga kagamitan na makabago at magagara.

Photo Credit: john__estrada/Instagram

Makikita rin sa labas ng kanilang bahay, ang isang swimming pool na kung saan ito ang isa sa paboritong lugar ni John. Dahil ayon sa kanya dito sila nag bobonding mag pamilya, lalo na ng kanyang anak na si Anechka. Ayon rin sa aktor ay madalas sila mag swimming mag-ama, lalo na tuwing araw ng Linggo.

Kaya isa ito sa mga inaantay na araw ni John.
Hindi rin naman itinago ni John na hindi lahat ng kanyang anak ay nakakasama niya roon, dahil na din sa ang mga ito ay malaki na at may mga sarili ng buhay.




Meron ding ibinahagi ng larawan si John na kasama niya ang kanyang mag-ina, ito ay kuha mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay na kung saan matatanaw mula sa itaas ang kanilang malapad na living room at sa labas ng nito ay ang kanilang swimming pool.
Mula rin sa labas ng bahay nina John, sa may bandang swimming pool ay matatanaw ang napakagandang tanawin tulad ng “orchard” at golf course.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *