Manilyn Reynes Ipinasilip Ang Kanyang Napakaganda At Napakagarang Van

Sa pagkakaroon ng quarantine sa ating bansa, dulot ng krisis na ating kinakaharap, ay talaga namang marami sa atin pansamantalang natigil sa trabaho at ang iba nga ay nawalan pa ng trabaho, ngunit ngayon na nasa ‘new normal’ na ang ating bansa, ay nagbalik trabaho na rin an gating ilang mga kababayan.



Maging sa showbiz ay nagbalik trabaho na rin ang ilan sa mga artista, at isa na nga sa mga ito ay ang Kapuso Actress na si Manilyn Reynes.
Makikita nga sa IG post ni Manilyn, ang kanyang naging paghahanda sa pagbabalik taping niya, at isa na nga ito ay ang pagdis-infect sa kanyang sasakyan, kung saan pina-interior at exterior detailing niya rin ito.
Ibinahagi nga ni Manilyn sa kanyang IG account ang larawan ng kanyang sasakyan, kung saan ay nilakipan niya ito ng caption na;
“Bago pa nagbalik-taping, nagpa-interior and exterior detailing at napa din-infect namin ang sasakyan [smiling emoji]. Thank you, ER8 AUTO PROJECT disinfect [smiley emoji] Salamat din, @tuned_in_style for the upgrades. Happy #baliktaping #SalamatpoGod
Sa panahon ng ito, ay mas mainam na maging doble ingat tayo sa lahat ng mga bagay na ating gagamitin, at ito nga ang ginawa ni Manilyn. Makikita naman sa Kapuso actress, ang kanyang kasiyahan dahil sa bagong itsura ng kanyang sasakyan, at dahil na rin sa pagbabalik niya sa kanyang trabaho.
Si Manilyn Reynes, ay isang kilalang actress, tv host at commercial model, maliban pa nga rito ay kilala rin siya ng publiko bilang isang mahusay na singer.



Maituturing na isa sa mga magagaling na aktres sa showbiz si Manilyn, ito ay dahil sa kaya niyang gumanap ng kahit anong karakter, ito man ay mapa-horror, comedy at drama.
Sa ngayon ay patuloy pa ring nating nakikita ang angking husay ni Manilyn bilang aktres sa telebisyon, dahil isa siya sa mga lead cast ng GMA comedy series na “Pepito Manaloto.”
Isa naman sa mga natanggap na parangal ni Manilyn ay ang Best Comedy Actress sa 30th PMPC o Philippine Movie Press Club, kung saan ay kasama niya rin dito ang comedian actor na si Michael V.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *