Manny At Jinkee Pacquiao Pinakain Ng Saging Na Saba Na May Ginamos Ang Kanilang Mga Anak Sa Unang Pagkakataon

Marangya at magarbo, yan ang buhay na tinatamasa ngayon ng mga anak ni Pambansang Kamao na si Sen. Manny Pacquiao, ito ay dahil sa nakakalulang yaman na mayroon ang kanyang ama na bunga ng pagsisikap nito sa buhay.

Image Credit via Google




Ngunit alam ng marami sa atin, na kahit pa nga ubod na ng yaman ang pamilya ni Sen. Manny Pacquiao, ay nananatili pa rin ang kababaan ng loob nila ng kanyang asawang si JInkee at hindi nila kinakalimutan kung saan sila nanggaling bago niya narating ang marangya kanilang pamumuhay.

Image Credit via Google

Maging sa pagpapalaki ng kanilang mga anak, ay sinisigurado ng mag-asawa na lalaki ang mga ito na may mababang-loob at matulungin sa kanilang kapwa.

Image Credit via Google

Makikita nga naman natin kung paano ang mag-asawang Manny at Jinkee ay naging mabuting halimbawa sa kanilang mga anak.

Image Credit via Google

At isa sa mga magpapatunay muli ng pagiging simple ng kanilang pamilya ay ang bagong upload video ni Jinkee sa kanyang Youtube Channel na may caption na “Bagoong Challenge with the Kids!”.

Image Credit via Google

Bungad ni Jinkee sa Video, unang beses pa lang makakakita ng nilagang saging na may ginamos ang kanilang limang anak. Ang ginamos ay isang uri ng bagoong na gawa sa natural na sangkap nito.

Image Credit via Google

Ayon pa kay Jinkee, silang mag-asawa ay sanay na kumain ng mga ganitong pagkain at paborito pa nga ito ni Manny dahil sa halos sampung taon ng kanyang kabataan ay ito ang madalas nilang pagkain noon dahil sa hirap ng buhay.

Image Credit via Google

Samantala ang kanilang mga anak ay hindi pa nakakaranas ni minsan na kumain ng mga ganitong pagkain, kaya ngayon ay susubukan nila kung kakain ang mga ito ng saging na may ginamos.

Para kay Jinkee, ang nilagang saging na may ginamos ay para sa kanilang meryndang mag-asawa ngunit para kay Manny ay hapunan na niya ito.

“Yan ang sinasabi ko sa inyo, dito ako nasanay. Ok lang kung wala ka ng bigas, saging at ginamos ok na!”, ang sabi ni Manny habang kumakain.

Makikita naman sa video na humingi si Jinkee sa kanyang asawa, at kumagat sa saging na may ginamos at sinabi nga niya na pagsubok sa kanilang mga anak ang kumain ng ganun.
Sinabi nga ni Jinkee sa kanyang mga anak na “Kung sino ang kayang kumain nitong ginamos with nilagang saging.”




Agad naman sumagot ang panganay nilang anak na si Jimuel ng, “Di pa ako naka try”.
Sa video ay makikita na ayaw ni Jimuel na subukan ang pagkain, ngunit nilapitan siya ng kanyang ama at sinabi na subukan niyang kumain dahil masarap umano ito.

“Di ko talaga kaya,” sagot pa ni Jimuel. Sinabi naman ni Jinkee sa kanyang asawa na “Sabaw lang, wag may laman. Iba-iba tayo ng panlasa. First time nila makatikim niyan”.

“Ang sarap nito, ano ba naman itong mga to.” ang tanong naman ni Manny na agad sinagot ni Jinkee na “Hindi sila kumakain ng saging.”

Ang kanilang anak na si Princess naman ay hindi tinanggihan ang challenge at lumapit sa kanyang amang si Manny upang subukang kumain ng kinakain nito.

Sibuan naman ni Manny ang kanyang anak na si Princess ng saging na isinawsaw niya muna sa ginamos, sabay sabi na “dito kami nabuhay ng matagal pag walang pagkain.”
Nakakatuwa naman ang naging reaksyon ni Princess, at nagsabi nito.

“Amoy pa lang parang ang hirap na kainin,” ang reaksyon naman ni Jimuel.
Agad naman nagsalita ng maikling pangaral si Manny para sa kanyang mga anak.
“ Ang mga batang to, hindi sanay ng buhay mahirap. Wala kaming bigas noon kaya to yung kinakain naming ng matagal. 10 years!”

Ang anak naman ni Manny na si Queenie na ang susubukang kainin ni Manny, ay agad itong humingi muna ng tubig. Ng pumasok naman sa silid ang anak nilang si Michael, ay agad ito lumapit sa ama at agad tumikim ng kinakain ng ama.

Makikita rin si Jinkee Pacquiao sa hulihang bahagi ng video na nilantakan na rin ang pagkain ng kanyang asawa, at tila sarap na sarap sa pagkain ng saging na sinasawsaw niya sa ginamos.

Nagbiro naman si Manny, at sinabi sa kanyang mga anak na dapat mayroon silang isang linggo na hindi kakain ng mga masasarap na pagkain kundi ginamos lang at saging, at mga pagkain na kinakain nila noon.




Iniisip ni Manny na dapat ay natutunan ng kanyang mga anak, ang kabaliktaran ng buhay na tinatamasa ng mga ito ngayon. Marami nga naman ang muling bumilib at humanga na mga netizens sa pamilya nina Manny at Jinkee, ng mapanood nila ang video na ito ng mag-anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *