Manny Pacquaio Ipinagdiwang Ang Kanyang 41st Birthday Sa Shangri-La Hotel

Ang ating Pambansang Kamao, Eight Division World Champion, at isa sa ating mga kapita-pitagan senator Manny Pacquiao ay ipinagdiwang ang kanyang ika-41 araw ng kapanganakan noong Martes sa isang napakaengrandeng selebrasyon na idinaos sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La Hotel.

Photo Credit: jinkeepacquiao/Instagram




Isang pinaka sosyal na pagdiriwang ang inihanda para sa kaarawan ito ni Manny na dinaluhan ng kanyang mga kapamilya, kaibigan sa labas at loob ng showbiz at mga kilalang tao sa ating bansa. Nakakamangha ang mga palamuti at dekorasyon sa loob at labas ng Rizal Ballroom sa Makati Shangri-La Hotel kung saan ay ginanap ang kaarawan ni Manny.

Photo Credit: jinkeepacquiao/Instagram

Sa mga larawan na ibinahagi sa publiko, ay mapapansin na ang mga dekorasyon sa nasabing okasyon ay nakukulayan ng pula. Ang kasuotan din ng pamilya ni Manny ay kulay pula, ang kanyang asawa na si Jinkee Pacquiao at dalawang anak na babae ay kitang-kita ang ganda sa kanilang mga mamahaling gown.

Photo Credit: jinkeepacquiao/Instagram

Naka amerikana naman na may pagkamahabang suit ang suot ni Manny at ng kanyang dalawang anak na lalaki na si Jimuel at Michael na may pang loob din na kulay pula.
Kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni Manny Pacquiao ay ipinagdiriwang din nito ang kanyang naging achievement ngayong taon, ito ay ang kanyang pagtatapos sa kolehiyo sa kursong Political Science and Government Administration sa Unibersidad ng Makati.

Photo Credit: jinkeepacquiao/Instagram

Sa kanyang social media account ay nagbahagi si Manny ng kanyang larawan na siya ay nakasuot ng toga na nagpapatunay na siya ay nakapagtapos na sa kanilang kurso. Ito ay may caption na;

Photo Credit: jinkeepacquiao/Instagram

“It’s never too late to dream big dreams”. “ I will always remember the key lessons I learned and the ideas I got from you! I will always appreciate the excitement I experience during the entire learning process that led to the exit, the final requirement I needed to complete to get Bachelor of Arts degree in Political Science and Local Government Administration. I am excited to receive my diploma and show it on the wall.”

Photo Credit: jinkeepacquiao/Instagram

Muli ngang pinatunayan ng ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ang kanyang dedikasyon hindi lang sa paglalaro ng boxing kundi sa pagtupad din ng kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

Photo Credit: jinkeepacquiao/Instagram

Ayon pa kay Manny ang kanyang natamo ng pagtatapos sa kanyang pag-aaral ay para sa kanyang pamilya higit sa kanyang napakagandang asawang si Jinkee na sinusuportahan siya sa lahat ng kanyang desisyon sa buhay at sa kanyang apat na anak na si Jimuel,Michael, Princess, Queenie at Israel na nagbibigay lagi sa kanya ng inspirasyon na mas lalo pang mangarap.

Photo Credit: jinkeepacquiao/Instagram

Hindi rin nakalimutan ni Manny na banggitin ang kanyang ina na si Mommy Dionisia, ang kanyang ama at mga kapatid na sa mga ito ay ibahagi ang kanyang tagumpay at ibahagi sa mga ito na pagmamahal ng Diyos sa bawat is sa atin.

Photo Credit: jinkeepacquiao/Instagram

Saad din ni Manny na sa lahat ng kanyang tagumpay, ang makapagtapos siya sa pag-aaral ang isa sa mga pinakamahalaga at maging inspirasyon nawa siya sa ibang tao na may pinagdadaanan sa kanilang mga buhay at nawawalan na ng pag-asa.




Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng komento sa mga larawan sa kaarawan ni Manny na bumabati sa kanya ng Maligayang Kaarawan. Marami ngang ipinagpapasalamat si Manny Pacquiao dahil ang lahat ng kanyang mga pangarap ay natupad na, ano pa ng aba ang kanyang mahihiling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *