Manny Pacquiao Dodoblehin Ang Malilikom Na Donasyon Ng Kanyang Foundation Para Sa Mga Taal Evacuees

Sino nga ba naman ang hindi nakakakilala kay Sen. Manny “Pacman”Pacquiao. Maliban sa pagiging isang magaling at sikat na boksingero ay isa rin siya sa mga senador ng ating bansa. Ngunit hindi lang kilala si Manny bilang isang boksingero o senador dahil mas kilala siya at minahal ng ating mga kababayan dahil sa kanyang kabutihang puso na handang tumulong sa mga mahihirap at nangangailangan.

Photo Credit: mannypacquiao/Instagram




Sa bawat tagumpay at biyaya na natanggap ni Manny Pacquiao ay hindi siya nakakalimot na magbahagi sa kanyang kapwa lalo na kung alam niyang ito ay nangangailangan. Dahil sa kanyang hangaring makatulong sa ating mga kababayan ay nagtayo siya ng isang non-profit foundation na kung saan ay maaring magpadala o magbigay ang mga nais tumulong sa ating mga kababayan na naghihirap at nangangailangan.

Photo Credit: mannypacquiao/Instagram

Ang Foundation na ito ni Manny ay may tagline na “Fighting for those Fortunate and Spreading Hope Around the World”. Sa naganap nga na pag-aalburuto ng bulkang Taal noong nakaraang buwan ay agarang naghatid ng tulong ang Foundation ni Manny, at ilan sa mga evacuation center sa Batangas at Cavite ang natanggap na ang unang batch na kanilang donasyon na galing sa Foundation.

Photo Credit: mannypacquiao/Instagram

Nagpasalamat naman si Pacman sa mga nagpa-abot ng kanilang tulong at donasyon para sa mga nasalanta ng pag-alburoto ng Taal Volcano. Hinikayat din ni Manny ang ating mga kababayan na wag magsawang magbigay ng donasyon at nawa’y marami pa ang nagpaabot ng tulong para sa ating mga evacuee’s sa Taal Volcano Eruption.

Photo Credit: mannypacquiao/Instagram

Ang nakakahanga pa sa ginawang panghihikayat ni Pacman para sa mga nais tumulong at magbigay ng donasyon ay ipinangako niya na kung ilan man ang malikom na donasyon ng kanilang foundation ay dodoblehin niya ito ang mas marami pa ang matulungan ng nasabing foundation.

Photo Credit: mannypacquiao/Instagram

Narito ang pahayag ni Manny, ” Kung ano man at magkano man ang makolektang donasyon ng Manny Pacquiao Foundation para sa Taal ay dodoblehin ko.”
Ang hangarin nga ni Manny Pacquiao na makatulong sa mga kababayan nating nangangailangan ay isang kahanga-hangang gawain na talagang maging isa sa mga inspirasyon natin upang matuto rin tayong magbigay at mag-abot ng tulong.




Alam naman nating lahat kung bakit malapit ang puso ng ating Pambansang Kamao at Senador Manny Pacquiao sa ating mga kababayang mahihirap. Dahil maging siya ay nagmula sa kahirapan na dumanas maraming pagsubok sa buhay na kung saan ay ito ang ginawa niyang motibasyon upang magsumikap na abutin ang kanyang pangarap at iahon ang kanyang pamilya sa kahirapan kahit pa nga ba dugo at pawis ang kanyang puhunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *