Manny Pacquiao Ibinahagi Ang Masayang Selebrasyon Ng Kanilang Pamilya Sa Ika-19 Taong Kaarawan Ng Anak Na Si Michael

Nito lamang ika-12 ng Disyembre, ay isa sa mga anak ngmag-asawang Jinkee at Manny Pacquiao ang nagdiwang ng kaarawan, ay ito nga ay ang pangalawa nilang anak na si Michael.




Noon ngang araw ng Sabado, ika-12 ng Disyembre 2020, ay ipinagdiwang ni Michael Pacquiao ang kanyang ika-19 taong gulang na kaaraawan. At sa espesyal na araw na ito sa buhay ng binata, ay talaga naang makikita ang suporta at pagmamahal ng kanyang mga magulang at kapamilya sa kanya.

Photo Credit: jinkeepacquiao/Instagram

Makikita nga sa Instagram ng ina ni Michael na si Jinkee Pacquiao ang naging pagbabahagi nito ng masayang mga larawan na kuha sa naging selebrasyon ng kaarawan ni Michael, at kalakip nito ay ang kanyang mensahe ng pagbati at pagmamahal para sa anak na nagdiriwang ng kaarawan.

Photo Credit: jinkeepacquiao/Instagram

“You are loved”, ang maikli ngang caption ni Jinkee sa kanyang post.
Sa mga larawan ngang ibinahagi ni Jinkee, ay mapapansin na wala sa nasabing selebrasyon at pagdiriwang ang kanilang dalawang anak na babae, na sina Queenie at Princess, at ito nga ay dahil sa nasa Gen. San ang mga ito.

Photo Credit: jinkeepacquiao/Instagram

Tanging ang mag-asawang Manny, Jinkee, at ang kanilang mga lalaking anak na sina Jimuel, Michael at Israel lamang ang nasa nasabing selebrasyon.

Photo Credit: jinkeepacquiao/Instagram

Samantala, nagbahagi rin ng kanyang mensahe para sa kanyang binatang anak na nagdiriwang ng kaarawan, si Pambansang Kamao at Senador na si Manny Pacquiao. Kalakip pa ng mensaheng ito ni Manny, ay ang larawan niya, kung saan ay kasama at karga-karga niya pa ang binata na niyang anak na si Michael.

Photo Credit: mannypacquiao/Instagram

“Making my son a priority today. At the end of the day, family is everything. Always a proud dad here. Happy Birthday @pacquiao.michael.”

Photo Credit: mannypacquiao/Instagram

Ayon nga sa mensahe ni Manny para sa anak, sa kaarawan nito, ay talagang prioridad niya ang anak, at ang kanyang pamilya pa rin ang pinaka-importante sa lahat. Ipinahayag rin nito, kung gaano siya ka-proud bilang ama ni Michael.




Matatandaan naman na noong buwan ng Agosto, ay pinahanga ni Michael ang marami, ng ipamalas niya ang kanyang talento sa pagiging isang rapper.

Mayroon na ngang sariling rap composition si Michael, at ito ay pinamagatan niyang “Hate.”
Ayon ngasa binatang anak nina Manny at Jinkee na si Michael, ay seryoso siya sa tinatahak niyang karera sa mundo ng musika, bilang isang rapper, dahil sa ito ay talagang kanyang hilig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *