Mapa Wow Sa Aktres Na Si Cai Cortez Suot Ang Kanyang Mga Swimsuit Na Nagpapakita Ng Kanyang Kagandahan

Pagdating sa husay at talento bilang isang aktres at komedyante, ay isa si Cai Cortez sa kilala sa mundo ng showbiz. Siya ay mas lalo pang hinangaan ng publiko dahil sa kanyang big and bold aura, idagdag ang confidence niya sa kanyang sarili sa kabila nga ng pagkakaroon niya ng malaki at malusog na pangangatawan. Kabilang din si Cai Cortez sa nagbbibigay inspirasyon sa marami, dahil na nga sa pagiging isa niyang role model pagdating sa ‘body positivity.’




Marahil ay marami sa atin ang hindi nakakaalam na si Cai ay mula rin sa pamilya ng mga artista, sapagkat ang kanyang ama ay ang kilalang beteranong aktor na si Rez Cortez kaya naman hindi nakapagtataka na may angking husay at talento siya sa pag-arte. Taong 2009 nga ng magsimula si Cai sa kanyang showbiz career.

Photo Credit: caicortez/Instagram

Samantala, kung ang pag-uusapan naman ay ang personal na buhay ni Cai, siya nga ay mayroon na ring sarili niyang pamilya. Ang kanyang asawa ay si Wissem Rkhami, at sila nga ay mayroong dalawang anak na sina Bibo at Carmen.

Photo Credit: caicortez/Instagram

Makikita naman natin kay Cai na sa kabila ng kanyang malaki at malusog na pangangatawan ay talaga namang marami ang humahanga sa kanya, lalo na nga sa kanyang husay sa pananamit na mas nagpapakita pa nga ng kanyang big bold awra.

Photo Credit: caicortez/Instagram

Kung bibisitahin nga natin ang social media account ni Cai ay makikita natin ang mga larawan niyang mapapa-wow ka dahil sa kayang angking kagandahan at kaseksiham, kahit nga malaki ang kanyang pangangatawan. Kahit nga malusog at malaki si Cai, ay hindi naman ito naging hadlang sa kanya para magkaroon siya ng sexy body figure, at ang sikreto lamang nga niya rito ay ang paghahanap ng mga kasuotan na bagay sa kanyang katawan.

Photo Credit: caicortez/Instagram

Ilan sa mga nakakabighaning larawan ni Cai na talaga namang nagpa-wow sa marami ang ang mga larawan niya kung saan siya nga ay nakasuot ng mga ang-awra niyang sexy swim wear.

Photo Credit: caicortez/Instagram

Isa nga sa mga ito ay ang swimwear niya na may may pagkafloral ang bottom shorts at plain yellow naman ang kulay ng sexy top nito. Tunay din na kabigha-bighani ang isa niyang larawan kung saan makikita naman siya ay naka-pose sa isang puno habang nakasuot din ng isang makulay na sexy swim suit.

Sa caption nga ng larawan ay inihayag ng komedyante kung gaano siya ka-proud sa kanyang sarili sa kabila ng ‘flaws’ niya at kahit na nga may kalakihan ang pangangatawan niya.




“Due to insistent public demand…eto na po ang entry ko. YES WALA PONG RETOUCH! I. AM. SEXY. I am a woman, I am a mother of two, I have flaws and WALAKOMPAKE because I love the body that God has given me.”

“Body confidence doesn’t come from trying to achieve the perfect body. It comes from embracing the one you’ve already got.” Si Cai ay isa nga ngayon sa mga aktres at komedyante sa mundo ng showbiz na nagbibigay inspirasyon sa marami , lalo na nga sa mga ka-body figure niya, na kahit ano pa ang hugis ng iyong pangangatawan ay kailangan mong mahalin ito at maging confident dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.