Marahil Ito Ang Naging Dahilan Kaya Hindi Natuloy Ang Movie Comeback Nina Jolina Magdangal At Marvin Agustin

Bilang isang Pinoy, maraming mga pelikula ng tumatak sa ating isip noon. Ito’y marahil sa magaling na pagganap ng mga artista o kaya’y sa magandang istorya ng pelikula. Dahil hindi pa uso noon ang mga makabagong gadgets, ang natatanging libangan natin noon ay ang kiligin sa mga pelikula. Dahil sa mga linyang binibitawan nila, nauso na rin ito sa atin mula noon magpasahanggang ngayon. Sa mga pelikula rin natin noon nakuha ang mga makabagong terminolohiya na nagkaroon ng malaking epekto sa pagbabago ng ating panahon at pamumuhay.

Photo Credit: marvinagustin/Instagram




Isa sa mga kinikilig ang tambalan noon ay ang tambalan nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin. “Hey Babe!” at “Labs Kita… Okey Ka Lang?” ang ilan sa mga pelikulang tinuka ng masa noon mula kina Jolina at Marvin. Ito ang ilan sa mga nagbago ng paraan ng pagmamahalan ng mga kabataan noon. Marahil ay marami sa atin ang nakakaalala pa ng mga hindi malilimutang linya noon na binitawan nina Jolina at Marvin.

Photo Credit: marvinagustin/Instagram

Matapos ang matagumpay na mga pelikula nina Marvin at Jolina, hindi na sila muling nasilayan sa mga sinehan. Bagama’t ganito ang nangyari, hindi pa rin nawala ang kilig ng mga kina Jolina at Marvin. Sa kanilang pagtanda, nandoon pa rin ang dating Jolina at Marvin na kinakailangan ng lahat.

Photo Credit: marvinagustin/Instagram

Sa pagtungtong ng ika-20 taon ng kanilang dalawang pelikulang ito, napipinto sanang magkaroon ng “comeback” na pelikula sina Marvin at Jolina na siya namang ikinatuwa ng kanilang mga tagahanga. Ngunit sa kabila ng ating pananabik, hindi pala matutuloy ang kanilang pelikula dahil sa ilang rason. Nilinawa naman ni Jolina ang rason kung bakit hindi matutuloy ang kanilang “movie comeback” ni Marvin

Photo Credit: marvinagustin/Instagram

Sa isang ambush na panayam kay Jolina, inamin nito ang mga rason kung bakit hindi matutuloy ang kanilang pelikula ni Marvin. Ayon kay Jolina, hindi raw umabot ang script para sa kanyang pelikula. Bagama’t nanghihinayang sa pangyayari, ayaw raw ni Jolina na ipilit ang mga bagay na hindi dapat. Naintindihan naman ni Jolina ang paliwanag ni Marvin kung bakit hindi matutuloy ang kanilang pelikula. Hindi na rin raw “entertain” ni Jolina ang panghihinayang. Ayon pa kay Jolina, dapat raw ay pinag iisipan talaga ang mga ganitong klaseng comeback na pelikula dahil imbis raw na ma-enjoy nila ay baka ma-pressure sila sa paggawa nito.

Photo Credit: mariajolina_ig/Instagram
Photo Credit: marvinagustin/Instagram




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *