Marcelito Pomoy Muling Pinatunayan Ang Kabutihan Matapos Magbigay Ng Tulong Sa Ilang Mahihirap Sa Probinsya Ng Quezon

Isa si Marcelito Pomoy, sa hinahangaan ng marami nating mga kababayan ngayon. Ito ay dahil sa hindi lang sa kanilang angking talento na taglay sa pagiging isang mang-aawit, kundi dahil rin sa taglay niyang kabutihan at pagiging isang matulungin.



Sa panahon ng krisis, ay muling pinahanga ni Marcelito Pomoy, ang mga tao sa kanyang pagiging matulungin.
Image Credit via YouTube
ito ay matapos mamahagi ng singer ng tulong sa isang bayan sa probinsya ng Quezon, sa pamamagitan ng pagbibigay ng bigas at “dressed chicken” sa mga kababayan nating mahihirap doon.
Image Credit via YouTube
Sadya nga talagang taglay na ni Marcelito ang pagiging isang taong matulungin. Kaya naman kahit may virus na kumakalat ngayon, na banta sa ating kalusugan,
Image Credit via YouTube
ay hindi pa rin ito nagdalawang-isip na magtungo sa liblib na bayan ng Calauag, Quezon upang personal niyang ipamahagi ang kanyang munting tulong sa ating mga kababayan doon.
Image Credit via YouTube
Ayon nga sa singer, napili niya ang bayan ng Brgy. Yaoyao sa bayan ng Calauag, Quezon, dahil sa isa ito sa maituturing na pinakamahirap na barangay doon. Hindi rin umano basta-basta makakapunta sa bayan,
Image Credit via YouTube
ang mga mamamayan doon upang bumili ng kanilang pagkain, dahil na rin sa kinakailangan pa nila ang pamasahe ng 400 pesos isang tao, kung sila ay tutungo sa mismong bayan ng kanilang lugar.
Image Credit via YouTube
“Kami po ay pupunta sa Kuyaoyao kung saan itong lugar na ito ay napakalayo – more than one hour ang biyahe. So ang pinili naming na lugar na bigyan ng relief sobrang napakahirap po ng kalagayan nila du’n.
Image Credit via YouTube
And then pamasahe palang papunta ng bayan more than 400 na isang tao”, ang naging saad nga ni Marcelito.
Image Credit via YouTube
Ibinahagi rin ni Marcelito, kung gaano kahirap ang buhay ng ating mga mag-aaral na naninirahan roon. Ito ay dahil sa malayo-layo rin ang nilalakad ng mga ito patungo sa eskwelahan kung saan sila pumasok.
Image Credit via YouTube
“And then sa totoo lang, ‘yung mga estudyante dun, ‘yung mga mag-aaral, nilalakad ‘yung school nila. Kaya sobrang hirap.
Image Credit via YouTube
Kaya salamat po sa lahat ng sumuporta at nagbigay ng mga tulong. Isang napakalaking biyaya na nito para sa kanila. Kaya sa lahat ng may mabuting puso, again, pwede po akong maging tulay para makatulong sa iba – sa mga mas nangangailangan pa sa akin’, dagdag pa nga ng singer.
Image Credit via YouTube
Maliban nga sa naging pagbibigay ni Marcelito ng tulong sa bayan ng Kuyaoyao sa bayan ng Calauag, Quezon, ay mapapanood rin natin sa kanyang self-titled YouTube vlog na siya ay namigay rin ng mga vitamins, powdered milk,
Image Credit via YouTube
at diaper para sa mga baby, na halos hindi na maibigay ng kanilang mga magulang ang mga ganitong pangangailangan ng kanilang mga sanggol dahil sa kahirapan dulot ng krisis na kinakaharap natin ngayon.



Hinikayat naman ni Marcelito ang iba nating mga kababayan na may kakayahan sa buhay, na kung nais ng mga ito na magbigay ng tulong sa iba, ay maaari siyang gawing daan ng mga ito.
https://www.youtube.com/watch?v=iO5_88oXY7U&feature=emb_logo
Para nga sa America’s Got Talent Finalist na si Marcelito Pomoy, dahil sa maraming biyaya siyang natatanggap sa kanyang buhay ngayon, ay nais niyang ibahagi ito sa iba, sa pamamagitan ng pagpapa-abot ng simpleng tulong sa ating mga kababayan na sobrang apektado ng krisis na nararanasan natin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *