Maricel Laxa-Pangilinan Ibinahagi Ang Dahilan Ng Talikuran Ang Mundo Ng Showbiz

Marami sa mga mahuhusay na artista noon ang hindi na natin nasisilayan ngayon sa mundo ng telebisyon, ito ay dahil sa pinili nilang talikuran na ang kanilang karera. Sa kabila nito, ay iba’t iba naman sila ng dahilan kung bakit nagdesisyon silang iwan ang kanilang pag-aartista.




Kabilang sa mga mahuhusay na aktres noon na ngayon ay hindi na natin nasisilayan sa telebisyon at tuluyan na ngang iniwan ang kanyang showbiz career ay si Maricel Laxa-Pangilinan.

Photo Credit: mommymaricel/instagram

Samantala, kamakailan lamang ay naging panauhin ang dating aktres sa isang episode ng “Bawal Judgemental” ng Eat Bulaga, at dito ay kanya ngang ibinahagi ang naging desisyon niyang magretiro sa showbiz.

Photo Credit: mommymaricel/instagram

Kinuwento ni Maricel, na noong ikasal siya sa kanyang asawang si Anthony Pangilinan nu’ng taong 2001 ay sinabi na niya rito na magre-retiro na siya sa pag-aartista. Nang mga panahon na ‘yun ay 23-taong gulang lamang umano siya.

Photo Credit: mommymaricel/instagram

“Actually, the minute na nag-asawa ko, sabi ko sa asawa ko, ‘retired na ko’ kaya ang aga kong nag-asawa, 23 years old pa lang eh”, kuwento ni Maricel.
Ngunit ayon nga sa kanya, hindi sumang-ayon ang kanyang mister na magretiro siya sa showbiz, dahil ani nito ay wala pa naman umano silang anak noon, kaya naman ipinagpatuloy na lamang muna niiya ang kanyang showbiz career.

Photo Credit: mommymaricel/instagram

“Wala pa naman daw kaming anak so bakit ko naman daw aaksayahin yung panahon ko”, dagdag na saad pa ng dating aktres. Matagal din bago nagkaroon ng panganay na anak si Maricel at ang kanyang mister. Ngunit ng sila nga ay mabiyayaan na ng anak, ay dito na nagdesisyon ang aktres na iwan na ang pag-aartista at magpokus na bilang ina sa kanyang mga anak.

Photo Credit: mommymaricel/instagram

Kung naging matagal ang pagdating ng panganay na anak ng mag-asawa, naging sunod-sunod naman ang naging anak nila matapos nga itong iluwal.
“They came one after na other. Kaya sabi ko, ‘wow, I have my hands full. I’m so busy at saka kailangan talaga na pag nagka-anak ka na, para sa akin, talagang ibigay mo lahat ng atensyon mo, ng oras mo and na-enjoy ko naman talaga ng sobra”, ani pa ni Maricel.




Ang aktor na si Donny Pangilinan ay isa sa mga anak ni Maricel, kung saan ito nga ang kanyang anak na sumunod sa kanyang yapak at pinasok ang mundo ng showbiz. Sa ngayon ay isa si Donny sa mga sikay na aktor sa showbiz, at kinakikiligan sa tambalan nila ng aktres na si Belle Mariano.

Maliban kay Donny ay may iba pang mga anak si Maricel at ang kanyang mister na si Anthony, at ito nga ay sina Hanna, Ella, Benjamin at Solona Pangilinan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *