Maris Racal Ipinasilip Ang Kanyang Tahanan Na Mayroong Industrial Cozy Design

Masaya at aliw na aliw na ibinahagi ng 22-taong gulang na aktres na si Maris Racal ang kanyang tahanan, kung saan ayon sa dalaga, ay bunga ito ng kanyang pagsisikap, pagpupuyat, at pagpapahalaga bilang isang aktres sa industriya ng showbiz.



Sa kanyang vlog, ipinagmamalaking pinasilip ni Maris ang kanyang bahay, na ayon sa aktres ay halos katatapos lamang sa renovation.
Photo Credit: mariesteller/Instagram
Makikita nga sa naging pagpapasilip ng batang aktres sa kanyang tahanan, na sa bungad pa lamang nito, pagpasok ng pintuan ay agad ng makikita sa isang sulok ang disinfectant area ng nasabing tahanan.
Photo Credit: mariesteller/Instagram
Pagdating naman sa living room ng aktres, ang magandang pagkaka-ayos ng mga kagamitan dito ang agad na makikita, na kung saan ayon sa kanya ay maging siya ay namangha at talagang nagandahan sa naging arrangement at disenyo ni Carell Garcia sa kanyang living room.
Photo Credit: mariesteller/Instagram
Nagbigay ng eleganteng dating sa living room ng tahanan ni Maris, ang mga magagandang kagamitan na ginamit rito, at maging ang kombinasyon ng mga kulay rito ay talaga namang kaaya-aya sa mata. Ang kanyang couch ay kulay berde, na sinamahan niya ng kulay dalandan(orange ) na mga unan.
Photo Credit: mariesteller/Instagram
Ayon sa aktres, ay gusto niya talaga ang color scheme ng orange, kaya naman magiging kapansin-pansin sa kanyang tahanan na ang ilan sa kanyang mga kagamitan ay nakukulayan ng dalandanan o orange.
Photo Credit: mariesteller/Instagram
Matatagpuan naman ang dining area at kitchen ng tahanan ni Maris, sa may kabilang bahagi lamang ng living room. Mapapansin sa kanyang kusina, na ito’y malawak at ang counter nito ay dinesenyo na tila hugis L.
Photo Credit: mariesteller/Instagram
Ayon naman kay Maris, ilan sa mga kagamitan sa kanyang kusina ay matagal na nilanf ginagamit, tulad na lamang ng kanyang water dispenser at refrigerator.
Photo Credit: mariesteller/Instagram
Pagdating naman sa ikalawang palapag ng tahanan ni Maris Racal, ay bubungad agad ang gallery wall ng aktres, kung saan ay mayroon ring piano na makikita rito.



Ipinakita rin ng dalaga, ang kanyang silid-tulugan, na nasa ikatlong palapag ng bahay. Bago makapasok sa silid ni Maris, ay makikita agad sa labas nito ang kanyang shoe rack, kung saan ay punong-puno ito ng mga sapatos niya. Sa gilid naman nito, ay mapapansin ang isang malaking cabinet.
Sa loob naman ng silid ni Maris, ay makikita ang mga artworks na nakalagay sa iba’t ibang mga frames. Mayroon ding isang cabinet kung saan nakalagay ang mga libro, awards at corona ng IWant ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

Have you giys watched my home tour?? It’s finally here!! Link in bio

A post shared by Maris Racal (@mariesteller) on

Matatandaan na si Maris Racal, ay unang nakilala ng siya ay mapabilang sa mga naging housemates noon ng Pinoy Big Brother Teen Edition, kung saan matapos niya lumabas sa bahay ni Kuya ay nag tuloy tuloy ang pagpasok ng proyekto sa kanya. Hindi nga lang isang aktres si Maris Racal, dahil isa rin siyang modelo at singer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *