Maris Racal Nakatanggap Ng ‘Sweet Greetings’ Mula Sa Nobyong Si Rico Blanco Sa Araw Ng Kanyang Kaarawan

Kabilang sa mga tanyag at iniidolong aktres ngayon sa mundo ng showbiz ay ang nnapakagandang aktres na si Maris Racal. Talaga namang marami ang nagmamahal at sumusuporta sa kanya, at ito nga ay kanyang napatunayan ng bumuhos ang mga ‘birthday greetings’ ng araw ng kanyang kaarawan.




Kamakailan nga lamang ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Maris Racal, at sa espesyal na araw na ito sa kanyang buhay, ay bumuhos ang napakaraming pagbati, ngunit ang pinaka-nagpakilig nga kay Maris ang ang naging ‘sweet birthday greetings’ sa kanya ng nobyo niyang si Rico Blanco.

Photo Credit: ricoblanco100/Instagram

Kalakip ng sweet greetings ni Rico para kay Maris ay ang nag-gagandahang larawan ng aktres na ibinahagi nga nito sa mismong Instagram account niya. Makikita naman sa mga larawan ang kagandahan ni Maris, kung saan ay talaga namang masasabi kung gaano ka-photogenic ang aktres.

Photo Credit: ricoblanco100/Instagram

Sa isang larawan naman na ibinahagi ni Rico Blanco ay makikitang magkasama silang magkasinatahan, at ang nababagay nga na caption dito ay ‘sweetness overload’, dahil kitang kita kung gaano sila kakumportable sa isa’t isa.

Photo Credit: ricoblanco100/Instagram

Makikita nga sa nasabing larawan na si Maris ay halos nakasandala ng kalahati ng katawan sa nobyo niyang si Rico Blanco habang pareho nga silang naka-smile dalawa sa harap ng kamera. Ibinahagi rin ni Rico ang larawan ng alagang aso ng kanyang nobya, na alam niyang mahalaga rin sa buhay nito.

Photo Credit: ricoblanco100/Instagram

Samantala, narito naman ang nakakakilig na ‘sweet greetings’ ni Rico Blanco kay Maris na talaga namang nagdulot ng kilig sa aktres.

Photo Credit: ricoblanco100/Instagram

“Happy birthday madam, love you so much po”, kahit maiksi ang mensaheng ito ay dama naman na ito ay talagang galing sa puso ng isang taong labis na nagmamahal.
Bumuhos naman ang mga birthday greetings para kay Maris, mula sa kanyang mga kasamahan sa industriya ng showbiz, at maging sa kanyang mga tagahanga.

Bago pa man naging magkarelasyon, ay naging magkatrabaho noon sina Maris Racal at Rico Blanco sa ilan ngang mga proyekto ng aktres, kagaya na nga lamang ng “Not For Me” at “Asa Naman.” Tila nga ang parehong pagkahilig ng dalawa sa musika ang nagpalapit sa kanila hanggang sa mahulog na nga ang loob nila sa isa’t isa.




Matatandaan na noon lamag buwan ng Mayo ng kasalukyang taon ng kumpirmahin ni Maris ang relasyon nila ni Rico Blanco.

Si Rico Blanco ay nasa edad 48 na, samantala noon nga lamang ika-22 ng Setyembre ay nagdiwang ng ika-24 taong kaarawan si Maris. Sa kabila ng malaking agwat ng edad nila sa isa’t isa, ay makikita naman sa kanilang dalawa na maayos ang nabuo nilang relasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *