Maritoni Fernandez-Dayrit Nagbigay Pasilip Sa Kanyang Napagakagang Beach House Sa Bataan

Dalawang taon na ng i-anunsyo ng aktres na si Maritoni Dayrit na siya ay nagpapagawa ng isang beach house, at kamakailan nga nga lamang ay nagbigay patikim na siya sa kanyang mga tagahanga ng napakagandang beach house na kanyang ipinagawa na matatagpuan nga sa Morong Bataan.




Noong ika-23 ng Mayo, araw ng Linggo ay makikita ang naging pagbabahagi ni Maritoni sa kanyang Instagram account ng larawan ng beach house na kanyang ipinapagawa. At ayon nga sa aktres, ito ay nasa finishing stage na, kaya naman saktong-sakto na summer ay tapos na ito.

Photo Credit: maritoni.fernandez/Instagram

“Almost there. Some grass and shutter. Finishing satges. In time for the Summer Holidays”, ang nakasaad na caption ni Maritoni sa nasabing larawan.

Photo Credit: maritoni.fernandez/Instagram

Sa isa namang post ng aktres, ay kanyang ibinahagi ang naging pasasalamat niya sa Poong Maykapal, dahil sa gabay nito ay matagumpay nilang naipagawa ng kanyang asawa ang pangarap nilang beach house.

Photo Credit: maritoni.fernandez/Instagram

“Home. Coming along. Thank you, Lord”, ani ng aktres.
Katuwang ni Maritoni sa pagpaplano at pagpapatayo ng beach house ang kanyang asawang si Mon Dayrit.

Photo Credit: maritoni.fernandez/Instagram

At matatandaan na ang mag-asawa ay ikinasal noon lamang buwan ng Hunyo ng nakaraang taon, sa pamamagitan ng isang civil ceremony sa Paranaque City Hall.
“Please one nearly done.

Photo Credit: maritoni.fernandez/Instagram

Thank you, my love, @mondayrit for taking control and making sure it’s all done according to the timeline and that all meet up to their commitments so calmy. I appreciate you. Thank you, Jesus, for my husband. [red heart emoji][praying hand emoji] #keepcalm#mylovemylove#beachhouse#gettingthere#praisegod.”

Ang mister ni Maritoni Dayrit na si Mon Dayrit ay nagtatrabaho bilang isang chief administrative officer sa isang investment company. Ito ay mayroon ng naging anak sa dati niyang karelasyon.

Samantala, si Maritoni naman ay mayroon na ring dalawang anak, ang 25-taong gulang ng Lexi na anak niya sa dati niyang asawa na si Alex Alvarez at ang 15-taong gulang na si Liam, na anak naman niya sa dati niyang nobyo na isang modelo na si Hans Montenegro.




Ikinamangha naman ng maraming mga tagahanga ni Maritoni ang kanyang napakagandang beach house na kitang-kita naman na talagang nakaka-relaks ang magandang tanawin, base nga sa larawan na kanyang ibinahagi.

Narito naman ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens;
“Bouganvilles are in bloom…. Look at the color!!! And how they love the sun!!!”
“Napaka ganda, feeling nasa Greece!!!! Happy your family will be in Bataan always”
“That was quick! @maritoni.fernandez it’s beautiful.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *