Marjorie Barretto Proud Na Proud Sa Kanyang Matapos Humakot Ng Maraming Parangal At Medalya Sa Kanyang Graduation

Isa sa mga kilalang angkan sa mundo ng showbiz ay ang mga Barretto, dahil tatlo sa magkakapatid na ito ay talaga namang sumikat at naging popular sa industriya noon. Ito nga ay sina Gretchen Barretto, Marjorie Barretto at ang pinakasumikat sa kanila na si Claudine Barretto.




Samantala, sa ngayong henerasyon naman ay maging ang mga anak nila na piniling sundan ang kanilang mga naging yapak ay kilala na rin sa mundo ng showbiz, katulad na nga lamang ng anak ni Marjorie Barretto na si Julia Barretto.

Photo Credit: marjbarretto/Instagram

Matatandaan na unang umarangkada ang karera ni Julia noong ito ay bata pa, ng pagbidahan niya ang serye na “Kokey” noon sa ABS-CBN kung saan ay gumanap siya bilang si Anna Calugdan. Magmula nga noon ay natuloy-tuloy na ang magandang karera ni Julia, hanggang sa ngayon at namumukadkad pa rin ang husay nito bilang isang aktres.

Photo Credit: marjbarretto/Instagram

Ang panganay naman na anak ni Marjorie na si Dani Barretto ay mas pinili na magkaroon ng buhay sa likod ng kamera, at ngayon nga ito ay mayroon na ring sariling pamilya. Isang singer at song-writer naman ng VIVA records ang ikatlong anak niya na si Claudia Barretto,

Photo Credit: marjbarretto/Instagram

at kamakailan lang din naman ay tila sinimulan na rin nitong subukan ang kanyang talento sa pag-arte. Tunay ngang kahanga-hanga ang mga anak ni Marjorie Barretto, dahil ang mga ito ay gumawa ng kani-kanilang pangalan sa larangan na kanilang napili sa showbiz.

Photo Credit: marjbarretto/Instagram

Ngunit para naman sa kaalaman nating lahat, hindi lamang sa mga anak niyang babae proud si Marjorie, dahil maging ang nag-iisa niyang anak na lalaki na si Leon ay ipinagmamalaki niya rin ngayon lalo na’t nagtapos ito ng High School na may karangalang High honors at marami pa ngang iba pang mga awards.

Photo Credit: marjbarretto/Instagram

Makikita sa Instagram account ni Marjorie kamakailan lamang ang naging pagbabahagi nito ng larawan ng kanyang anak na si Leon, na masayang masaya nga habang nakasuot ng toga at nakasabit ang medalya.

Photo Credit: marjbarretto/Instagram

Ayon kay Marjorie, pitong medalya lahat ang nakuha ng anak niyang si Leon, at ito ay mula sa mga naging husay nito sa subject na Math, Social Science, Arts at Communication Arts at ang iba pa nga ay Teen Can Award sa pagiging Top 2 nito. Sa dami ng medalya ni Leon, ay masasabi naman talagang napakahusay at talino nito.

Talaga namanng bilang isang ina ay proud na proud si Marjorie sa lahat ng parangal na nakuha ng kanyang anak. At makikita rin sa mga ibinahagi niyang larawan kung gaano sila kasayang magpamilya para sa pagtatapos sa high school ni Leon.

“Your sisters and I are so PROUD of you! Thank you Leon, for making it all worth it. Thank you God for seeing us throughout the last 14 years. Keep going Leon, you are on the right path. We love you so much!”, ang naging saad ni Marjorie.

Nabanggit naman ni Marjorie sa kanyang post ang pasasalamat niya sa anak niyang si Julia dahil sa naging pagtulong nito sa pag-aaral ng kapatid nito, na nagtapos nga sa magandang eskwelahan.




“And special THANK YOU Julia for helping me put Leon in a good school. I couldn’t have don eit all without your help. You must be proud too, and missing you so much”, dagdag na saad pa niya.

Naging kapansin-pansin naman sa mga mata ng netizens na wala sa family picture na ibinahagi ni Marjorie ang anak niyang si Julia, at ito nga ay dahil sa nasa Subic ito at mayroong lock-in taping para sa magiging serye nito sa TV5 na may pamagat na “Di Na Muli” kung saan ay makakasama nito ang aktor na si Marco Gumabao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *