Markus Paterson Pumukaw Ng Atensyon Dahil Super Sweet Nilang Magkasama Ni Janella Salvador

Naging maingay muli ang pangalan ng magkasintahang Janella Salvador at Markus Paterson sa social media, nito lamang nakaraan. Ito ay matapos magbahagi ni Markus sa kanyang social media account ng video, kung saan makikita ang super sweet moments nila ng nobyang aktres.




Sa nasabi ngang video na ito, kung saan ay magkasama ang dalawa, ay makikitang nakayakap si Marcus kay Janella, habang ito ay nakatalikod sa kanya. Mapapansin rin ang kanilang masayang tawanan, na tila ang kanilang pinag-uusapan ay nagbibigay ngiti sa labi ng isa’t isa.

Photo Credit:markus/Instagram

Ngayon, ay kasalukuyang nasa United Kingdom pa rin ang magkasintahan, kung saan ipinanganak si Markus, at naninirahan ang kanyang buong pamilya.

Photo Credit:markus/Instagram

Mapapansin naman, na mula ng isapubliko nina Janella at Markus, ang kanilang relasyon, ay mas naging malimit ang pagbabahagi ng aktor ng mga larawan o video nila na magkasama ni Janella.

Photo Credit:markus/Instagram

Matatandaan, na naging usap-usapan na rin noon ang magkasintahan, ng lumabas ang balita na buntis umano si Janella Salvador, at ito ay nanganak sa bansang bansang U.K kung saan sila ngayon nanatiling magkasamang dalawa.

Photo Credit:markus/Instagram

Ang usapin ngang panganganak ni Janella, ay mas lalo pang sumidhi, ng isa sa mga tagahanga ni Marcus, ang makapansin sa isang larawan ng babae at isang sanggol na nasa hospital, na naka “my day” sa Instagram ng aktor. Ito nga ay agad ring binura ni Marcus,

ngunit na-screen shot na ito ng isang tagahanga, kaya naman kumalat sa social media ang nasabing larawan, ay may ilan ngang nagsabi na ang pigura ng babae sa larawan, na tila nga nanganak dahil sa may sanggol ito, ay kasing pigura ng aktres na si Janella Salvador.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by markus (@markus)

Sa kabila nito, ay wala namang kumpirmasyon o pagtanggi mula sa magkasintahan, tungkol sa balitang ito.




Samantala, narito naman ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens, sa naturang video na ini-upload ni Markus, na nagpakita ng pagiging sweet nila ni Janella.

“Mukhang happy and contented naman na si Janella.. ang swerte ng taong ganun ang sarap ng tulog nila.” “Mapapa sana all ka na lang talaga” “Sa sobrang sweet… kahit hindi nila ako fan, kinilig ako.. Legit!!!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *