Mary Pacquiao Nagbigay Pasilip Sa Walk-In Closet Nila Ng Kanyang Kapatid Na Si Queenie

Para bigyan ng kasiyahan at goodvibes ang kanyang 1-milyong mga subscribers sa kanyang YouTube channel ay binigyang katuparan ni Mary Pacquiao ang hiling ng mga ito na gawin niya ang 24-hour Tagalog Challenge, at kasabay nito ay nagbigay pasilip din siya sa walk-in closet nila ng kanyang kapatid na si Queenie.




Ang gagawin nga ni Mary sa challenge niyang ito ay bente kwatro oras siyang magsasalita ng purong tagalog, habang abala nga sa mga bagay na madalas niyang ginagawa sa loob ng kanilang tahanan.

Image Credit via YouTube

Dahil sa lumaki na nasanay sa pagsasalita ng Ingles at Bisaya naman ang karaniwang ginagamit na salita ng kanyang mga magulang na si Manny at Jinkee Pacquiao ay aminado si Mary na hirap siya na magsalita ng purong Tagalog.

Kahit naman hindi sanay sa Tagalog na lenggwahe ay hindi na nag-atubili ang anak ni Manny Pacquiao na pagbigyan ang kanyang mga tagasubaybay upang bigyang aliw at kasiyahan ang mga ito. Ipinakita nga ni Mary na kaya niyang mapagtagumpayan ang nasabing challenge, sa tulong na rin ng kapatid niyang si Queenie.

Image Credit via YouTube

Samantala, dahil sa magkasama sa iisang kwarto ang magkapatid, habang ginagawa ni Mary ang kanyang challenge, ay naisipan niyang magbigay ng munting pasilip sa walk-in closet nila ni Queenie sa kanyang mga subscribers.

Image Credit via YouTube

Makikita naman na talagang maganda ang walk-in closet ng magkapatid, at maayos itong tingnan sapagkat organisado ang mga gamit nila na nakalagay dito. Ang kanilang mga damit ay naka-ayos depende sa okasyon kung kailan nila ito kinakailangang gamitin.

Image Credit via YouTube

Mapapansin naman na ang kanilang mga jacket, pantalon, t-shirts at mga blouse ay naghiwalay, kung saan ang mga ito nga ay may kanya-kanyang drawer. Ang mga bestida naman na kanilang ginagamit kapag sila ay nagsisimba ay may hiwalay ring cabinet, ganun din ang kanilang mga uniform na sinusuot nga nila sa eskwela.

Mayroon ding maliit na box sa loob ng closet ng magkapatid, at ayon nga kay Mary ay doon nakatago ang kanilang pantali sa buhok. Sa kabila nga ng mabilisan lamang ang naging pagpapasilip ni Mary ng kanilang walk-in closet ng kanyang kapatid,

Video Credit: Mary Pacquiao/YouTUbe

ay agad namang napansin ng kanyang mga tagasubaybay na mala-department store ang kanilang closet dahil nga sa magandang pagkakagawa at disenyo nito. Marami rin ang nakapansin ng pagiging isang mabuting indibidwal ni Mary,




dahil habang siya ay naglilibot sa kanilang tahanan, ay magalang at maayos siya kung makitungo sa kanilang mga kasambahay na kanyang nakakasalamuha. Nang tumambay naman sandal si Mary sa kanilang sala para magpa-picture ay napansin din sa kanyang ginawang vlog ang magandang interior design ng kanilang tahanan.

Samantala, hindi na naman nagbigay ng anumang detalye si Mary patungkol sa iba pang bahagi ng kanilang tahanan, dahil ayon sa kanya ay ang kanyang Mommy na si Jinkee Pacquiao ang magpapasilip nito kapag ito ay nagsagawa ng isang house tour vlog sa sarili nitong YouTube channel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *