“Mas Mahirap Tumanda Ng Mali Ang Pinakasalan” Ang Matinding Hugot Ng Actress-Vlogger Na Si Donnalyn Bartolome

Pagdating sa usapin ng pagpapakasal at pagkakaroon ng anak, ay mayroon ngang malalim na hugot diyan ang actress-vlogger na si Donnalyn Bartolome. At ito nga ay kanyang inihayag ng isang netizens ang magbigay komento sa kanyang social media post.




Sa isa ngang post ni Donnalyn kamakailan lamang, kung saan ay ibinahagi niya ang kanyang throwback photo na siya ay 17-taong gulang pa lamang ay mayroong isang netizens na nagkomento na dapat umano na ay mag-asawa na at mag-buntis na ang aktres.
“Mag-asawa ka na Dona mahirap tumanda mag-isa”, ang naging hirit nga ng netizens ng magkomento sa post ng actress-vlogger.

Photo Credit: donnalyn_forever/Instagram

Agad namang kinontra ni Donnalyn ang komento na ito ng netizens, at pinagdiinan nga niya na mas mahirap ang buhay kung maling tao ang mapipili niyang pakasalan na makakasama niya habang buhay.

Photo Credit: donnalyn_forever/Instagram

“Mas mahirap tumanda ng mali ang pinakasalan”, ang naging reply ni Donnalyn.
Maliban pa nga dito, ay mayroon ding isa pang netizens ang nagkomento na dapat ay mag-pamilya na ang aktres at magbuntis na nga dahil sa mahirap na walang anak na makakasama sa buhay.

Photo Credit: donnalyn_forever/Instagram

“Mag-anak ka na, mahirap tumanda ng walanganak”, ani pa ng isang netizens.
May naging kasagutan naman ulit dito ang aktres, kung saan ay sinabi niya kung ano ang tamang mindset sa pagkakaroon ng anak.

Photo Credit: donnalyn_forever/Instagram

“Have children because you want to experience the joys of being a parent. Not with the intention of obligating them of responsibility that isn’t theirs.”
Pinagdiinan pa ng aktres ang mensaheng, “Ipapanganak mo anak mo sa mundong ‘to para parusahan kasi ganun din naranasan mo? END THE CYCLE.”

Photo Credit: donnalyn_forever/Instagram

Matapos ngang sagutin ni Donnalyn ang mga naging komento sa kanya ng mga netizens patungkol sa pagkakaroon na dapat niya ng asawa’t anak, lalo na’t hindi na siya pa-bata, ay nagbigay payo rin siya sa lahat ng mga taong sumusubaybay sa kanya na mag-isip nga ng alternnatibong paraan bukod sa pagkakaroon ng baby, kung saan isa nga sa mga ito ay ang pag-aalaga ng mga hayop.

Photo Credit: donnalyn_forever/Instagram




Sa panahon nga ngayon ay makikita natin na may ilang mga indibidwal na habang hindi pa dumarating sa buhay nila ang kagustuhan nila na magkaroon ng anak, ay inilaan muna nila ang kanilang oras at panahon sa pagiging isang Fur parents o yung mga tao na kung ituring ang kanilang mga alaga ay para na ring mga anak na miyembro ng kanilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *