Masayang Ibinahagi Na Magkakaroon Ng Anak Ang Kontrobersyal Celebrity Couple Na Sina Romnick Sarmenta At Barbara Ruaro

Isa sa mga pinag-usapang relasyon noong mga nakaraang buwan ng taong ito (2020) ay ang di-umanoy magandang pagtitinginan ng aktor na si Romnick Sarmenta at aktres na si Barbara Ruaro.




Nagsimula itong maging laman ng balita noong buwan ng Hunyo, ng mapansin ng mga netizens ang parehong larawan ng dalawa sa kani-kanilang Instagram stories.

Photo Credit: bieruaro/Instagram

Napansin noon ng maraming mga netizens ang halos parehong IG stories ng dalawa, ng magbahagi si Barbara ng larawan niya na hawak ang isang “bouquet of flowers”, at si Romnick naman ay nagbahagi ng larawan ng isang kamay ng babae, kung saan ay makikita ang kaparehong tattoo at relo ni Barbara.

Photo Credit: bieruaro/Instagram

Ilang araw nga lamang matapos mapag-usapan ang dalawa, tungkol sa pagkakapareho ng kanilang IG stories ay kinumpirma na nga ng dalawa sa publiko ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng Istagram post.

Photo Credit: bieruaro/Instagram

Samantala, ilang buwan nga lamang matapos ang kumpirmasyon, ngayon ay may bago namang magandang balita sina Romnick Sarmenta at Barbara Ruaro, at ito nga ay pagkakaroon na nila ng anak.

Photo Credit: bieruaro/Instagram

Makikita sa Instagram post ng aktor na si Romnick Sarmenta ang kanyang naging pagbabahagi ng magandang balitang ito, na kung saan ay isang larawan ng pregnancy test kit ang kanyang binahagi na nagsasabi nga na positibo ang pagbubuntis ng kanyang kasintahang si Barbara.

Photo Credit: bieruaro/Instagram

Kalakip ng larawan na ito, ay ang naging caption ng aktor na; “Infinitely Blessed with Your Affirmation. Iba ka Panginoon, maraming salamat po.”

Photo Credit: bieruaro/Instagram

Hindi naman nagpahuli ang mom-to-be na si Barbara Ruaro, dahil maging ito’y masaya ring ibinahagi sa kanyang IG post ang larawan ng pregnancy test na nagkumpirma na siya’y buntis, kasabay ng pagsasabing ang kanyang pagbubuntis ay nasa limang buwan na.

“The crossed that appeared on my test and this miracle as a whole is Your loudest yet most comforting affirmation. I praised and thank You for my Nicko, and all our friends and families who have expressed and continue to show their love and undying support.

See you on February, Little Bean”, ang naging caption ni Barbara sa kanyang post.
Hindi pa naman nagbibigay ng kumpirmasyon sina Romnick at Barbara, kung ano ang magiging gender ng kanilang baby.




Matatandaan na si Romnick Sarmenta, ay kasal noon sa kanyang dating asawa na si Harlene Bautista, at ang kanilang pagsasama ay tumagal ng halos 19-taon. Sila rin ay nagkaroon ng limang mga anak, sa tagal ng kanilang naging pagsasama bilang dating mag-asawa.

Sa naging hiwalayan nina Romnick at Harlene, ay kinumpirma ng dalawa na walang anumang “third party” sa kanila. Sa ngayon nga ay pareho ng masaya sina Romnicck at Harlene, dahil pareho na may kanya-kanya ng karelasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *