Masayang Ibinahagi Ng Aktres Na Si Roxanne Barcelo Na Siya Ay Ikinasal Na

Bagama’t hindi pa man ipinakikilala ni Roxanne sa publiko ang kanyang napangasawa, ay nagbahagi naman ang aktres ng ilang mga larawan nila, na kuha sa kanilang kasal.




Ang balita ngang ito, na naging pagpapakasal ng aktres, sa gitna ng [email protected]@ ay ikanagulat ng marami, lalo pa’t hindi pa nga niya ipinakikilala sa publiko, kung sino ang lalaking kanyang karelasyon.

Photo Credit: roxannebarcelo/Instagram

Sa kanya ngang YouTube channel, ay ibinahagi ni Roxanne sa pamamagitan ng video ang masayang kaganapan na nangyari sa kanyang buhay, sa panahon ng [email protected]@.
Ayon nga sa aktres, ang pagkakaroon ng boyfriend, pagiging engaged niya, hanggang sa kanyang pagpapakasal, ay nangyari ngayong panahon na may health crisis.

Photo Credit: roxannebarcelo/Instagram

Matatandaan na noong buwan ng Marso 2020, ng ibinunyag ni Roxanne, na siya ay may idine-date na non-showbiz guy, ngunit hindi naman siya nagbigay ng anumang detalye o pagkakakilanlan nito.

Photo Credit: roxannebarcelo/Instagram

Hanggang sa ibahagi na lamang nga ng aktres sa kanyang number three updates sa kanyang Youtube video, na siya ay may boyfriend na.

Photo Credit: roxannebarcelo/Instagram

Samantala, sa natura ngang video na ito, ay ikinuwento rin ng aktres, kung paano niya nalaman, na ang lalaking karelasyon niya ngayon, ang lalaking kanya ng pakakasalan.

Photo Credit: roxannebarcelo/Instagram

Kwento ni Roxanne, iniligtas daw ng kanyang kasintahan, ang kanyang ina, noong kasagsagan ng bagyong Ulysses, ng ma-stranded ito sa second floor ng kanilang bahay.

Photo Credit: roxannebarcelo/Instagram

Siya dapat ang lulusong sa baha, para puntahan ang kanyang ina, ngunit pinigilan siya ng kanyang boyfriend, dahil sakay ng jetski ay ito na lamang ang nagtungo sa ina ng aktres, upang iligtas ito.

Matapos nga nito, kasunod na ibinahagi naman ni Roxanne, na sila ay engaged na ng kasintahan, ngunit hindi naman niya idenetalye kung kailan at saan ito naganap.

At ang pinakahuli ngang update ng aktres, na talagang ikinagulat ng marami niyang mga tagahanga, ay ng sabihin niya na siya at ang kanyang non-showbiz partner ay ikinasal na.
“I got married, hahahha!”

Like I said in my vlogs before, he is worth the wait. And guess what, so I am.”
Noon ngang araw ng Pasko, ay nag-post si Roxanne, ng wedding photos nilang mag-asawa, kung saan ay makikita na nakayapak ang aktres sa kanyang groom, pero hindi kita ang mukha nito.




“My creator’s, best gift ever”, ang naging caption nga ng aktres.
Sa isa namang wedding photo na kanyang ibinahagi ay nilagyan naman ni Roxanne ng caption na;

“Merry Christmas from me and my husband”, na may hashtag pa ngang #flashbackfriday.
Bagamat hindi ipinapakita sa mga larawan na ibinahagini Roxanne, ang mukha ng lalaking kanyang napangasawa, ay matutukoy naman sa mga larawan nito, na ito’y matangkad, maputi at tila mestizo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *