Masayang Ipinakita Ng Singer Na Si Lyca Gairanod Ang Kanyang Naipundar Na Sasakyan Para Sa Kanyang Pamilya

May panibago na naman ngang naipundar ang young singer na si Laica Gairanod para sa kanyang sarili at para rin sa kanyang pamilya na isa nga sa mga bunga ng kanyang pagsusumikap sa buhay.




Sa panibagong vlog ni Laica sa kanyang YouTube account ay proud niyang ipinakita ang naipundar niyang sasakyan sa pamamagitan nga ng pag-upload ng larawan nito. Ibinahagi rin niya kung gaano niya ka-gusto na makapagpundar ng sariling sasakyan, na ngayon nga ay kanya ng naisakatuparan sa pamamagitan ng pagiging isa niyang mahusay na singer at vlogger.

Image Credit via YouTube

“Alam niyo kasi dapat pangarap ko lang ‘to na magkaroon ng sariling sasakyan, and ngayon, winish ko talaga, pinush ng pinush na magkaroon ng sariling sasakyan”, ang naging saad ni Lyca.

Image Credit via YouTube

Kaya naman ng mapundar na nga niya ang matagal na niyang pinapangarap na sasakyan, ay bukas-palad niya itong ipinasilip sa kanyang mga tagasubaybay, kung saan ay isa ngang car tour ang kanyang ipinakita sa kanyang video vlog.

Image Credit via YouTube

“Excited na kong ipakita yung aking pangalawang tahanan. Iba ‘yung bahay ko, kasi ito para ko ‘tong house eh. Talagang ito na ‘yung pangalawa kong bahay, kasi dito ka na nagpapahinga”, ang naging saad pa ni Lyca.

Image Credit via YouTube

Sa kabila nga ng naging katuparan ng mga pangarap ni Lyca sa kanyang buhay at sa kaginhawaan ng buhay na tinatamasa nila ngayon ng kanyang pamilya ay nanatili ang pagiging isang mapagkumbaba niya.

Image Credit via YouTube

Si Lyca Gairanod o sa tunay na buhay ay si Lyca Jane Epe Gairanod ay isang Filipina singer-vlogger na ipinanganak noong ika-21 ng Nobyembre taong 2004. Ang kanyang karera sa pagiging isang mahusay na mang-aawit ay nagsimula maging isa siya sa mga kalahok ng The Voice Kids Philippines , kung saan siya nga ang kauna-unahang nanalo sa unang season ng nasabing patimpalak.

Video Credit: LYca Gairanoid/YouTUbe

Magmula nga ng magwagi siya ay nagkaroon siya ng pagkakataon na magkaroon ng recording contract sa ilalim ng MCA Music Inc.




Minsan na rin niyang ipinamalas ang kanyang husay sa pag-arte, nang itampok niya ang kanyang istorya ng buhay sa MMK (Maalaala Mo Kaya), kung saan ginampanan niya karakter ng kanyang sarili habang isinasadula ang naging pagsisimula niya sa kanyang pangarap hanggang sa ito nga ay kanyang makamtan. Sa kaparehong buwan at taon rin, ay naging guest siya sa ABS-CBN’s Hawak Kamay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *