Masdan Ang Mga Larawan Ni Andi Eigenmann Noong Kanyang Kabataan Na Talaga Naman Carbon Copy Ng Kanyang Isang Anak

Kamakailan lamang ay ibinahagi ng ina ni Andi Eigenmann na si Jaclyn Jose sa kanyang Instagram account ang larawan ni Andi noong bata pa ito, na kitang-kita ang kakyutan nito at taglay ng kagandahan noon pa man.




Noon ngang ika-21 ng Disyembre, ay ipinost ni Jaclyn Jose ang larawan ni Andi sa kanyang IG account, kung saan ay marami ang nakapansin na ang panganay na anak ngayon ni Andi na si Ellie, ay malaki ang pagkakahawig sa aktres, at tila nga sila’y pinagbiyak na bunga.

Photo Credit: andieigengirl/Instagram

Makikita nga sa larawan ni Andi, na sa kanya nagmana ng natural na ganda ang anak niyang si Ellie. Caption ng ani Jaclyn Jose sa throwback photo ni Andi na kanyang ibinahagi ay, “Ang anak ko.”

Photo Credit: andieigengirl/Instagram

Matapos ngang ibahagi ni Jaclyn ang larawan na ito ni Andi, ay marami sa mga netizens ang agad napansin ng malaking pagkakawangis nina Andi at Ellie. Maliban pa rito, ay nabighani din ang iba, sa taglay na kakyutan at kagandahan ni Andi noong siya ay bata pa.

Photo Credit: andieigengirl/Instagram

May ilan ngang mga netizens ang nagkomento na napakaganda ni Andi noong bata pa ito, lalo na at taglay nito ang pagiging mestiza. Ang iba naman ay sinabi na, talagang kay Andi nagmana ng kagandahan at pagiging mestiza si Ellie.

Photo Credit: andieigengirl/Instagram

Narito nga ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens sa throwback photo ni Andi;
“Now I know where Ellie got her beauty… She’s literally her mom’s mini me..”
“maganda mestiza tlga sya eh”

Photo Credit: andieigengirl/Instagram

“Madam jacky you’re so blesses to have andi as a daughter. She’s a very responsible mom to ellie and lilo.” Marami nga sa mga netizens at tagahanga ni Andi, ang nakasubaybay sa paglaki ng mga anak ni Andi, at patuloy na sumusuporta sa kanila.

Dahil nga sa malaking pagkakahawig ng mag-inang Andi at Ellie, ay marami ang nagsasabi na si Ellie ang mini me version ni Andi.

Si Ellie ay ang panganay na anak ni Andi na siyam na taong gulang na ngayon. Ang ama nito ay ang dati niyang karelasyon na si Jake Ejercito. Sina Andi at Jake, ay may sari-sarili ng buhay ngayon, at sa kabila nito, ay nasa good terms pa rin silang dalawa para maging magulang sa anak nilang si Ellie.




Makikita sa social media post nina Andi at Jake, na malapit sa kanilang dalawa ang anak nila. Ngayon nga ay mayroon ng dalawang kapatid si Ellie sa kanyang inang si Andi sa partner nito ngayon, at ito nga ay sina Lilo, at ang kasisilang laman na si baby Koa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *