Kapag ang pangarap nga naman ng isang tao ay sinamahan ng pagpupursige, diskarte at dedikasyon walang kahit na ano ang makakahadlang na mabigayang katuparan niya ang kanyang pinapangarap sa buhay, maging ang kahirapan man ito sa buhay.
Sa likod naman ng maraming mga pangarap na nakamit ay batid natin na ang suporta at tulong ng mga magulang ang kanilang naging sandigan.
Isa nga sa mga halimbawa nito ay ang naging matagumpay na pagtatapos sa kolehiyo bilang Magna Cum Laude ng estudyanteng si Sandra Estefani Ramos sa kanyang kursong Bachelor in Secondary Education sa Bicol State College of Applied Science and Technology.

Dahil sa kanyang naging pagsusumikap sa pag-aaral at pagpupursige ng kanyang amang pedicab driver na suportahan at sustentuhan ang lahat ng kanyang mga pangangailangan ay napagtagumpayan nga ni Sandra ang makapagtapos ng kanyang pag-aaral na may nakuha pa ngang mataas na parangal.

Aminado naman si Sandra, na kumpara sa kanya, ay marami pa talagang mas magaling at matalino, ngunit dahil sa ginawa niyang inspirasyon ang pagsasakripisyo ng kanyang ama sa kanya ay mas nagpursige pa siya at nagsipag sa kanyang pag-aaral.

“Until now, I didn’t know how I was able to achieve this award. Even if I know that there are others students more intelligent than me, I still do my best. Even if I didn’t know how, I do know the people who are the reasons why I became Magna Cum Laude”, ang naging saad nga ng dalaga ng siya ay makapanayam.

Ayon naman sa ina ni Sandra, ang asawa niyang si Mang Renato sa kabila ng marami nilang gastusin sa araw-araw ay talaga namang binibigyang prayoridad ang mga gastusin ng kanilang anak sa pag-aaral nito, lalo na nga pagdating sa pamasahe nito at mga gagawing proyekto sa paaralan.
Si Sandra naman ay inilalarawan ng isa sa mga School Associate Professor at kanyang isang Professor na isang simple at mapagkumbaba na dalaga at isa sa mga estudyante nila na nakaranas ng napakarming pagsubok ngunit sa kabila nito ay nanatili ang katatagan kaya naman ngayon ay naging matagumpay.