Matagumpay Na Nakapagtapos Ng Kursong Engineering Ang Isang Estudyante Na Ang Ikinabubuhay Lamang Ay Pagbabasura

Marami na ang nagpatunay na ang kahirapan kailanman ay hindi magiging dahilan upang pangarap na diploma ay hindi makakamtan. At ngayon ay ganito rin ang hatid na kuwento at inspirasyon ng estudyanteng si Jayvee Calayag, na sa kabila ng kahirapan ng kanyang pamilya ay hindi sumuko na bigyang katuparan na matapos ang kanyang pag-aaral.




Tunay nga naman na hindi biro ang pinagdaanan ni Jayvee, dahil ayon sa kanya agad siyang namulat sa reyalidad ng buhay sa murang edad pa lamang niya.

Image Credit via Google

Kuwento ni Jayvee, bata pa lamang siya ay napagtanto na niya kung gaano kahirap ang kumita ng pera, dahil sa nakikita niya kung gaano nahihirapan ang kanyang mga magulang na kumayod sa hanapbuhay ng mga ito para lamang maitaguyod sila. Ang mga magulang umano niya ay parehong namamasura lamang, kaya naman talagang masasabi na hirap ang kanilang buhay.

Image Credit via Google

Para matulungan ang kanyang mga magulang, bata lamang ay sumabak na rin sa pamamasura si Jayvee, at ayon nga sa kanya noong siya ay isa ng estudyante ay hindi biro ang kanyang pinagdaanan para lamang mabigyang katuparan ang diploma na kanyang pangarap. Dahil kinailangan niya umanong pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral.
Sa kanyang Facebook post ay ikinuwento ni Jayvee kung ano ang kanyang mga pinagdaanan bago niya nakamit ang pangarap na pagtatapos sa kolehiyo at makuha ang kanyang diploma.

Image Credit via Google

Malaki ang pasasalamat ni Jayvee sa kanyang mga magulang dahil sa kabila ng pamamasura lamang ang ikinabubuhay ng mga ito ay itinaguyod ng mga ito ang kanyang pag-aaral sa loob ng 16-taon.

Image Credit via Google

Mababasa naman sa post ng binata, ang kanyang naging pangako sa kanyang mga magulang na ngayon na siya ay nakapagtapos na ng kolehiyo sa kursong Engineering ay siya naman ang babawi sa mga ito.

Image Credit via Google

Pinasalamatan din ni Jayvee ang lahat ng mga taong naging malaking bahagi ng kanyang matagumpay na pagtatapos sa kolehiyo. Nagbigay pasasalamat din siya sa Poong Maykapal dahil sa kahit anong kahirapan ng buhay ang pinagdaanan nila ng kanyang pamilya, ay nanatiling ginagabayan sila nng Diyos.

Image Credit via Google




Ipinagpapasalamat naman ng mga magulang ng binata ang pagiging pursigido nito sa kanyang pag-aaral, lalo pa’t consistent Dean’s Lister si Jayvee. Ang pagpupursige ni Jayvee sa kanyang pag-aaral ay nagbunga na nga dahil matagumpay siyang nakapagtapos ng kolehiyo sa kursong Elertronics Engineering sa Bulacan State University. Sa ngayon ay nakakatulong na siya sa kanyang mga magulang dahil nagtatrabaho na siya bilang isang part-time advisor at engineer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *