Mataray Looks Ni Jessy Mendiola Usap Usapan Ang Ugali Sa Totoong Buhay

Paano nga ba natin masasabi kung ang isang tao ay masama ang ugali? Ano nga ba ang ating basehan? Karaniwan, hinuhusgahan natin ang isang tao base lamang sa ating unang pagtingin kahit na hindi pa natin ito nakakausap o nakakasalamuha. Ito ang karaniwang husga ng mga ordinaryong tao sa mga artista: mataray, suplada, maldita/maldito, o masama ang ugali. May mga pagkakataong totoo ito ngunit hindi natin pwedeng lahatin ang mga artista dahil mga tao rin sila.

Photo Credit: @senorita jessy/Instagram




Ito ang paliwanag ni Jessy Mendiola tungkol sa mga komento sa kanya ng mga tao dahil sa kanyang pag-uugali. Katulad ng ibang mga tao, may sariling YouTube channel na rin si Jessy Mendiola kung saan dito na ibinahagi ang mga “vlogs” niya at nitong nakaraan nga lamang ay nagkaroon siya ng segment kung saan binabasa niya ang mga “hateful comments” tungkol sa kanya.

Photo Credit: @senorita jessy/Instagram

1. Mataray, Suplada, Maldita, at Unapproachable

Photo Credit: @senorita jessy/Instagram

Pinabulaanan ni Jessy ang mga komento ng ito tungkol sa kanya. Sinabi ng artista na iyon raw talaga ang palaging husga ng mga tao sa kaniya. Pero kung sakaling gusto nilang lapitan ang girlfriend ni Luis Manzano, kakausapin naman raw niya.

2. Maarte

Photo Credit: @senorita jessy/Instagram

Inamin ni Jessy Mendiola na talagang maarte raw talaga siya pagdating sa kanyang katawan. Sinabi niyang wala raw talaga siyang pake noong una ngunit habang tumatanda raw siya ay may mga bagay raw siyang napagtanto katulad ng pangangalaga ng katawan.
Sinabi rin ni Jessy sa kaniyang vlog na nahawa siya sa kakulitan ni Luis Manzo, ang kanyang boyfriend. Hinamon niya rin ang mga nagsasabing suplada siya na lapitan siya para malaman nila kung suplada raw talaga siya.

Photo Credit: @senorita jessy/Instagram

Maliban naman sa ganitong isyu, isang netizen naman ang nagpaabot ng tapat na komento at sinabing hindi niya raw talaga gusto si Jessy noon dahil sa isang isyu ngunit nakita niya kung gaano kamahal ni Jessy ang kanyang sarili.
Maaaring may mga taong mukhang galit ang ugali pero hinding-hindi natin malalaman kung hindi naman natin nasubukan hindi ba?




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *