Mateo Guidicelli Naging Matiyaga Sa Relasyon Nila Ni Sarah Geronimo Bago Pa Sila Ikasal

Naging number one trending sa social media ang naging kasal ng magkasintahang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, ito ay dahil sa pinatunayan ng dalawa ang labis na pagmamahal nila sa isa’t isa kaya marami man ang pagsubok at humadlang sa kanilang relasyon ay nauwi pa rin ito sa kasalan.

Photo Credit: matteog/Instagram




Pero paano nga ba nagsimula ang pag-iibigan nina Matteo at Sarah? at ano ang mga pinagdaanan ni Matteo upang mapagtagumpayan ang pag-ibig ni Sarah Geronimo.

Photo Credit: matteog/Instagram

Taong 2009 ng magkaroon ng concert ang Pop Princess na si Sarah Geronimo sa lungsod ng Lipa, Batangas kung saan ay dumayo pa ang aktor na si Matteo Guidicelli upang mapanood ng personal ang naturang singer.

Photo Credit: matteog/Instagram

Ayon sa aktor ay matagal na umano niyang hinahangaan si Sarah kaya naman isa siya sa mga matiyagang pumila sa meet and greet ng naturang concert upang personal na makilala ito.

Photo Credit: matteog/Instagram

Matapos ng pangyayaring ito, hindi nagtagal ay nagkaroon ng pagkakataon na magsama ang dalawa sa isang pelikula. Taong 2013 naman ng magsimulang mag kabutihan ang dalawa kung saan binansagan silang “AshMatt”,

Photo Credit: matteog/Instagram

Sa kabila naman nito ay lumabas ang balitang hindi umano sang ayon ang mga magulang ni Sarah Geronimo na si Daddy Delfin af Mommy Divine sa kung ano man ang namamagitan sa dalawa.

Ngunit kahit umano tutol ang mga magulang ni Sarah ay pinanindigan nina Matteo at Sarah ang kanilang relasyon, at noon ngang 2014 ng unang inamin ng Pop Princess Sarah Geronimo sa media na si Matteo ay kanya ng kasintahan.

Taong 2016 naman ng maging panauhin si Matteo sa talk show ng ABS-CBN na Magandang Buhay ay ibinahagi nito ang hirap na kanyang pinagdaanan upang mapagtagumpayan at mapanatiling matatag ang relasyon nila ng kasintahang si Sarah.

Dito rin ay inihayag ng aktor kung gaano siya kaproud kay Sarah dahil ipinaglaban siya nito at naging matatag ito para sa kanilang relasyon.

At kahit nga nasa magulong mundo ng showbiz ang magkasintahan ay pinili at sinikap ng dalawa na maging pribado ang kanilang relasyon, tanggap na rin umano ng aktor n marami ang magiging balakid sa relasyon nila ng kasintahan.

November 2019 naman ng anunsyo ng magkasintahan na silang dalawa ay engage na, ngunit ayon sa kapatid ni Matteo na si Paolo ay nangyari ang proposal halos isang taon na bago ang nangyaring anunsyo ng dalawa.

Kasunod naman ng naging anunsyo na engagement ng magkasintahan, ay humingi naman ng paumanhin ang aktor sa mga magulang ni Sarah kung may naging pagkukulang man siya sa kanila. At nangako siya na aalagaan, iingatan at pakamamahalin niya ang kasintahang si Sarah Geronimo.

Noong nakaraang Valentines Day nga ay nagkaroon ng concert si Sarah Geronimo kasama si Regine Velasquez na tinawag na Unified kung saan ay parehong naroon si Matteo at ang mga magulang ni Sarah ngunit hindi na krus ang landas ng mga ito.

Sa naging interview naman ng TV Patrol kay Matteo ay nagpasalamat ito sa mga bumati at naging masaya para sa kanila ni Sarah. Masaya rin umano ang aktor dahil sa nag trending ang Mrs. Guidicelli sa social media.

Dito rin ay iginiit ng aktor na wala siyang sinumang sinuntok, at mas pinili niyang protektahan ang mga importanteng tao sa buhay ni Sarah.




Sa kabila ng mga pangyayaring ito at kanyang mga pinagdaanan ay nais paring maniwala ni Matteo sa kasabihang “Love Conquers All”. Hangad namin ang iyong kaligayahan…. Congratulations and Best wishes Mr. and Mrs. Guidicelli.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *