Matteo Guidicelli Nagmula Sa Mayaman At Negosyanteng Pamilya Sa Cebu

Bilang mga magulang, hangad natin para sa ating mga anak ang magkaroon sila ng maayos na kinabukasan. Hangad din natin na kung dumating sila sa punto ng pag-aasawa ay napunta sila sa tamang tao na bibigyan sila ng masayang pamilya at masaganang pamumuhay.

Photo Credit: matteog/Instagram




Ganito nga ang nais nina Daddy Delfin at Mommy Divine para sa kanilang anak na si Sarah Geronimo kaya naman sila ay naging strikto pagdating sa magnobyo at pakikipagrelasyon ng kanilang anak.

Photo Credit: matteog/Instagram

Sadya nga namang maswerte si Sarah Geronimo sapagkat siya ay napunta sa tamang tao na talagang kanyang maipagmamalaki, dahil si Matteo Guidicelli ay hindi lang basta gwapo at talentado kundi mula din ito sa maayos at respetadong pamilya sa Cebu.

Photo Credit: matteog/Instagram

Si Gianmatteo Fernan Guidicelli o mas kilala ng publiko bilang Matteo Guidicelli ay isang 29-taong gulang na Filipino-Italian actor/model/singer na lumaki sa Cebu. Ang kanyang mga magulang ay sina Gianluca Guidicelli na isang Italiano at Glenna Fernan na isa namang Pilipina.

Photo Credit: matteog/Instagram

Nag-aral si Matteo sa Cebu International School at Brent International School bago siya lumipad patungo sa Chicago upang mag-aral sa Columbia College. Ngunit dahil sa pagkamiss sa kanyang pamilya, makalipas ang dalawang taon ay umuwi sa bansa si Matteo.

Photo Credit: matteog/Instagram

Taong 2017 ng direktang tanungin si Matteo ng Pep.Ph kung sino sa kanila ng kanyang kasintahan(asawa na ngayon) na si Sarah Geronimo ang pinakamayaman. Hindi naman ito direktang sinagot ni Matteo, ang tangi lamang niyang sinabi ay pareho silang kumikita ng sarili nilang pera ng kanyang nobyang si Sarah G.

Photo Credit: matteog/Instagram

Patungkol naman sa pagpaplano sa kanyang Future ay talaga namang pinaghahandaan itong mabuti ni Matteo. Dahil mula sa pamilya ng mga negosyante sa Cebu, ay isa ring negosyante itong si Matteo.

Photo Credit: matteog/Instagram

Sa katunayan si Matteo ang nagmamay-ari ng restaurant na Da Gianni sa Cebu na kung saan ay may dalawa na itong branches na matatagpuan sa Trattoria sa Cebu at ang modern version nito na matatagpuan naman sa Alabang. May mga pagkakataon pa nga na si Matteo ang nagseserve sa mga customer ng kanyang restaurant kapag natataon na siya ay hindi busy o walang ginagawa.

Kilala din si Matteo bilang isang Fernan, ang isa sa pinakamalaking angkan sa Cebu sapagkat ang kanyang ina ay si Glenna Fernan. Ang kanyang ina ay anak ng late Cebu Prosecutor na si Vicente Fernan na pinsan naman ni Marcelo Fernan ang natatanging tao dito sa Pilipinas na nag serbisyo bilang Chief Justice at Senate President.

Bilang pagkilala ng mga Cebuano ay isinunod sa kanyang pangalan ang isang tulay sa Cebu at ito ay ang Marcelo Fernan Bridge. Talaga namang kilala ang pamilya ni Matteo sa Cebu. Matatandaan nga na noong ikinasal ang kanyang kapatid na si Georgia sa isang lawyer na si Ian Dato ay mga kilalang tao sa lipunan ng Cebu City ang mga naging panauhin dito.

Kabilang sa mga kilalang tao sa Cebu na naging panauhin ay ang mga angkan ng Lhuillier’s at Villaricas. Matatandaan din na sa kasal na ito ng kapatid ni Matteo ay ang nobya nitong si Sarah Geronimo ang tumayong Maid of Honor.




Wala nga naman talagang dapat ikabahala ang mga magulang ni Sarah Geronimo para sa kinabukasan ng kanilang anak, dahil si ang naging asawa nito na si Matteo ay mula sa mabuting pamilya na may maayos at masaganang pamumuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *