Maui Taylor Ibinahagi Na Kaya Niyang I-handle Ang Magiging Reaksyon Ng Kanyang Mga Anak Sakaling Malaman Ng Mga Ito Ang Sexy Role Niya Noon

Ang sexy-actress na si Maui Taylor ay kilala bilang miyembro ng sikat na sexy girl groups noon na Viva Hot Babes na sumikat at nakilala taong 2003. Kilala rin siya sa kanyang pag-ganap sa mga mature roles, at sexy films.




Sa kabila ng namamayagpag na kasikatan niya noon, ay iniwan ni Maui ang mundo ng showbiz upang bumuo ng kanyang sariling pamilya.

Image Credit via Google

Makalipas naman ang ilang taon, may dalawang anak na lalaki na ngayon ang aktres at kanyang asawa. Makikita naman kay Maui na kabila ng pagiging isang ina na nito ng dalawa nilang mga anak ay agad niyang naibalik ang kasexy-han ng kanyang katawan, sa tulong na rin ng kanyang pagiging isang breatfeed-mom at pag-eehersiyo sa araw-araw.

Image Credit via Google

Dahil sa muling pagbabalik ng alindog ng kanyang katawan, ay nagkaroon ng pagkakataon muli si Maui na magsimulang ibalik ang kanyang career sa showbiz. Nagsimula nga muli ang aktres sa pag-guest ocassionally sa mga tv programs.

Image Credit via Google

Nitong huli, bago natapos ang taong 2019 ay nagkaroon siya ng special participation sa isang pelikula na inere noong buwan lamang ng Nobyembre 2019 at ito ay ang “Adam”.

Image Credit via Google

Unti-unti nan gang nagbabalik industriya ng showbiz ang aktres, at sa tulong ng dati niyang manager na si Boss Vic ng VIva Entertainment ay nakagawa na muli siyang muli ng mga sexy roles sa ilang pelikula.

Image Credit via Google

Muli rin niyang nakakasama, sa ilang mga proyekto ang kanyang mga dating kagrupo sa Viva Hot Babes, tulad na lamang ng mommy na rin na si Katya Santos.

Image Credit via Google

Ayon naman kay Maui, nagbalik man siya sa pagpapasexy ngayon sa mga pelikula ay hindi na rin ito tulad ng mga ginagawa niyang sexy roles.

“Sexy now, hindi naman katulad noon sa amin. Hindi naman name-miss, but this time nothing too wild like the last time.”

Ngunit marami ang nagtatanong at nais malaman, na ngayong may mga anak na si Maui paano ng aba ipapaliwanag ng aktres dito ang mga sexy roles niya noon. Lalo na sa panahon natin ngayon, na halos hindi muna maitago ang iyong nakaraan dahil sa pagkakaroon ng social media na kayang i-access agad ng mga kabataan.

Sa isang naging panayam nga sa aktres, ay sinabi nito na, naiisip na rin niya ang mga bagay na ito. Ayon nga sa kanya, bilang isang ina ay inihahanda na niya ang kanyang sarili dumating man ang pagkakataon na magtanong ang kanyang mga anak tungkol sa trabaho niya noon bilang isang sexy-daring actress.

“Actually naisip ko na yon.” “Eventually some will tell them. Hindi mo naman maitatago yun.” “Ang internet world ngayon, iba na.” “For sure, they will see. But ako, feeling ko, kaya ko siyang i-handle, i-explain.”




Para kay Maui, bilang isang ina na nagpalaki ng kanyang dalawang anak ay alam niya na kung sakali mang malaman ng mga ito ang kanyang pagiging isang sexy-daring actress noon ay maiintindihan nila ito.

Bilang mga magulang nga, ay alam natin kung paano natin nahuhubog an gating mga anak at para nga kay Maui ang maayos na pagpapalaki niya sa kanyang mga anak ang magiging dahilan ng mga ito para maintindihan kung ano man ang naging trabaho niya noon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *